Posted by Bella Gamotea | Balita
Aabot sa 3,000 inmate sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang nagsipagtapos sa kanilang pag-aaral.
Masayang ibinalita ni Department of Education (DepEd) Secretary Armin
Luistro na libu-libong bilanggo sa maximum security compound ng NBP ang
nakatapos na sa elementary at high school habang 500 bilanggo ang
nakatapos ng vocational.
Personal na dinaluhan ng kalihim ang seremonya ng pagtatapos sa loob ng NBP.
Patunay lamang ito na ang edukasyon ay para sa lahat.
No comments:
Post a Comment