Thursday, March 19, 2015

'62% Mindanaoans, ayaw sa Bangsamoro' - survey

Image result for images for Bangsamoro Basic Law (BBL)
By  Dennis Jamito  | BomboRadyo
 
 
Mas malaking bilang ng mga taga Mindanao ang kontra umano sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na nakabinbin sa Kamara ayon sa latest survey ng Pulse Asia Research Inc.

Batay sa nakalap na impormasyon ng survey firm na inilabas ngayong araw, 62 percent sa Mindanao ang kontra sa naturang panukalang batas, habang 20 percent lamang ang pabor dito at 18 percent ang undecided.

Lumalabas na mas popular pa ang BBL sa ibang bahagi ng Luzon na may 25 percent na sang-ayon at 32 percent lamang ang kontra.

Sa kabuuan, 44 percent ng mga Filipino ang ayaw sa BBL, 21 percent lang ang pabor habang 36 percent ang undecided.

Naniniwala naman ang mga eksperto na nagkaroon ng epekto sa popularidad ng BBL ang nangyaring Mamasapano encounter kung saan 44 na tauhan ng SAF ang brutal na pinatay ng ilang tauhan ng MILF at BIFF.

No comments:

Post a Comment