Naghahanda
na ngayon ang bansang Malaysia sakaling tuluyan ng malusaw ang usaping
pangkapayapaan sa pagitan ng Philippine government at Moro Islamic
Liberation Front (MILF).
By Anne Soberano | BomboRadyo
Kabilang sa ginagawang paghahanda ng Malaysia ay ang pag-activate ng kanilang offshore military bases.
Batay
sa report ng isang Malaysian news site, ang military bases ng Malaysia
partikular sa may bahagi ng Sulu Sea ay nakatakdang maging operational
sa susunod na buwan ng Abril na layon nito para i-address ang potential
influx o pagbuhos ng libu-libong mga displaced southern Filipinos.
“If
the peace process can’t go through in June then it means war. Twelve
years of talks and because of one incident, they will have war,” batay
sa pahayag ni Malaysian Defense Minister Datuk Seri Hishammuddin
Hussein.
Tinutukoy
umano ni Hishammuddin ang January 25 Mamasapano incident kung saan 44
na miyembro ng PNP Special Action Force ang nasawi.
Dagdag
pa Hishammuddin, na pinaghahandaan din ng kanilang security forces ang
posibleng paglikas ng mga sibilyan patungong Malaysia.
“If we have a wall of offshore bases, we may have a chance to stop the exodus of people,” pahayag ng opsiyal.
Paliwanag
ni Hishammuddin na ang ginagawa ng Malaysia ay bilang preacutionary
measures at gagawin nila ang lahat para hindi magkaroon ng spillover sa
may bahagi ng Sabah.
No comments:
Post a Comment