Monday, March 9, 2015

UN chief sa int'l comm: Pagsira ng ISIS sa cultural sites sa Iraq, pigilan


 By Liezl Galan | BomboRadyo, Google

UNITED NATIONS - Nanawagan si United Nations Secretary General Ban Ki-moon sa international community na gumawa ng hakbang upang matigil ang pagsira ng ISIS sa cultural sites ng Iraq.

Sinabi ni Ban na karumal-dumal ang ginagawa ng jihadist group na pagsira sa cultural heritage site ng bansa.

Ayon kay Ban, kailangan din mapigilan ng international community ang trafficking ng mga cultural artifacts na napasakamay ng ISIS.

Binigyang diin ng UN chief na ang pagsira sa cultural heritage ay maituturing na war crime kaya dapat aniyang mapanagot ang mga responsable.

"The secretary-general urgently calls on the international community to swiftly put a stop to such heinous terrorist activity and to counter the illicit traffic in cultural artifacts," ayon sa spokesman ni Ban.

"The deliberate destruction of our common cultural heritage constitutes a war crime."

Nabatid na binuldoze ng ISIS ang makasaysayang lungsod ng Nimrud at sinira ang museum sa Mosul.

Ngayon umano ay target naman ng ISIS ang 2,200 taon na lungsod ng Hatra sa Iraq na isang world heritage site ng UNESCO.

Una nang nanawagan ang Iraq sa US-led coalition na protektahan ang mga archaeological sites ng bansa laban sa ISIS. (AFP)

No comments:

Post a Comment