By Nes Cayabyab | BombRady, Google image
Tulad
sa mga nakalipas na taon, personal na iinspeksyunin ni Pangulong Noynoy
Aquino ang ilang lugar para tiyakin ang seguridad ng publiko ngayong
pumasok na ang Holy Week.
Ayon
kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, palagi naman itong
ginagawa ng Pangulo sa pagsisimula pa lamang ng kanyang administrasyon.
"The
President always does that from the time we started his administration,
ang ating Pangulo po ay talagang dumadalaw, iniinspeksyon po itong
ating mga terminals, mga shipping port, mga airport just to make sure
that safety is the number one factor," ani Lacierda sa isang panayam.
Bagama't
wala pang maibigay na detalye si Lacierda kaugnay ng pag-iikot ni
Pangulong Aquino, nagpaalala ito sa publiko na magnilay-nilay ngayong
Semana Santa.
Sa
Miyerkules inaasahang mas bubuhos sa mga pantalan, pier at paliparan
ang mga biyahero lalo't sa Huwebes na ang simula ng bakasyon ng maraming
empleyado.
No comments:
Post a Comment