Wednesday, March 11, 2015

Tony Parker, nagningas upang dalhin ang Spurs sa ikalimang sunod na panalo

tony parker 
Balita

SAN ANTONIO (AP)– Walang nakuhang basket si Tim Duncan, tinapos ang isang record-setting streak na tumagal ng 1,310 mga laro.

Mabuti na lamang at ibinigay ni Tony Parker ang kanyang pinakamagandang laro para sa season.

Si Parker ay nagkaroon ng season-high na 32 puntos at isa lamang na turnover sa paggiya sa Spurs sa kanilang ikalimang sunod na panalo, 116-105, laban sa Chicago Bulls kahapon.

‘’Tony is playing at a high level again, that makes a big difference for them,’’ sabi ni Chicago center Pau Gasol. ‘’It’s tough to beat them that way.’’

Nabigo si Duncan na makakuha ng basket sa unang pagkakataon sa kanyang 18-taong career, 0-for-8, habang nagtapos na mayroon lamang 3 puntos. Ngunit ang kanyang mga paghihirap ay hindi gaanong naramdaman dahil sa balanseng scoring at kasipagan ni Parker.

Si Parker ay nagbabalik sa kanyang All-Star form matapos malimitahan sa malaking bahagi ng season dahil sa strained hamstring na pumuwersa sa kanya para lumiban sa 13 laban.

‘’I’m still dealing with some stuff, but I’m going to fight through it,’’ ani Parker. ‘’I’m tired of talking about it. I kept saying I’m going to fight through it and I would rather play than stay out.’’

Si Parker, na may average na 25 puntos sa kanyang huling tatlong laro, ay 13-for-19 sa shooting at mayroong 2 assists sa loob ng 30 minuto.

Nagdagdag si Kawhi Leonard ng 20 puntos, 15 kay Patty Mills habang si Manu Ginobili ay nagbigay ng 14 puntos para sa Spurs.

Ang Chicago ay nagkaroon ng 22 turnovers, na nagresulta sa 32 puntos para sa San Antonio.

Ang Spurs ay nakakuha ng 15 steals, kabilang ang tig-tatlo nila Leonard at Ginobili.
 
‘’They are very active with their hands and they got a lot of steals,’’ turan ni Bulls power forward Joakim Noah. ‘’They got them into the open floor and we had no answer for that.’’

Naagaw ni Parker ang pasa ni Nazr Mohammed na dapat sana’y ay mapupunta kay E’Twaun Moore malapit sa midcourt at tumakbo pababa ng court para sa isang uncontested layup.

‘’He’s been in that mode for the last two or three games and feeling pretty confident about his health,’’ ayon kay Spurs coach Gregg Popovich. ‘’He was very explosive today and played a decent number of minutes, too. I think he’s where we would like him to be.’’

Sinundan ito ng isang one-handed dunk ni Leonard sa harapan ni Moore at pagkatapos ay ang pag-agaw ni Noah ng bola kay Mike Dunleavy patungo sa basket tungo sa 91-77 abante, may 11 minutong natitira sa orasan.

‘’It starts with Kawhi,’’ sambit ni Parker. ‘’Kawhi has been unbelievable the last four or five games getting steals and getting stuff going on defense.’’

Si Gasol ay nagtapos na may 23 puntos habang 22 naman ang idinagdag ni Aaron Brooks upang pangunahan ang Chicago.

Tumabla ang San Antonio (39-23) sa Dallas para sa ikaanim na puwesto sa Western Conference.
Resulta ng ibang laro:

Golden State 106, LA Clippers 98
Charlotte 108, Detroit 101
Utah 95, Brooklyn 88
Orlando 103, Boston 98
Oklahoma City 108, Toronto 104

No comments:

Post a Comment