Saturday, March 14, 2015

'Noy 'di makikialam sa DoJ review sa BOI report'

By  Reymund Tinaza | BombRadyo
 
Tiniyak ngayon ng Malacañang na hindi iimpluwensyahan ng Pangulong Noynoy Aquino ang magiging pag-aaral ng Department of Justice (DoJ) sa Board of Inquiry (BOI) report sa Mamasapano encounter.

Magugunitang walang rekomendasyon ang BOI sa mga dapat kasuhan bagkus ipinauubaya sa DoJ.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang balak ang Pangulong Aquino na impluwensyahan ang pagdetermina ng DoJ sa criminal liability ng mga sangkot na opisyal.

Ayon kay Valte, malaya ang DoJ sa kanilang trabaho para makamit ang hustisya sa Mamasapano operation na ikinamatay ng 44 na SAF troopers.

Si Pangulong Aquino at kaibigan nitong si resigned PNP Chief Alan Purisima ang nadidiin sa BOI report habang si dating SAF Director Getulio Napeñas ang sinisisi naman ng commander-in-chief.

Una rito, tinukoy sa resulta ng imbestigasyon ng PNP-BOI ang paglabag umano ni Pangulong Aquino sa Chain of Command ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng operasyon laban sa international terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Basit Usman na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.

Batay sa BOI report, bagamat may prerogative ang Pangulong Aquino na direktang kinausap hinggil sa operasyon si Napeñas sa halip na si OIC PNP chief Deputy Director General Leonardo Espina, ay maituturing na pag-bypass pa rin ito sa PNP Chain of Command batay sa PNP Fundamental Doctrine.

"The President exercised his prerogative to deal directly with Napenas instead of Officer in Charge of the PNP (PIC-PNP) Police Deputy Director General Leonardo Espina. While the President has the prerogative to deal directly with any of his subordinates, the act of dealing with Napenas instead of OIC-PNP Espina bypassed the established PNP Chain of Command.under the Manual for PNP Fundamental Doctrine, the Chain of Command runs upward and downward. Such Manual requires the commander to discharge his responsibilities through a Chain of Command," ayon sa BOI report.

Tinukoy din sa BOI report ang pagpayag mismo ni Pangulong Aquino kay suspended PNP chief Purisima na maging bahagi ng operasyon ng SAF sa kabila ng suspension order ng Ombudsman.

"The President allowed the participation of the suspended Chief Philippine National Police (CPNP) Police Director General Alan Purisima in the planning and execution of the Oplan Exodus despite the suspension order of the Ombudsman," batay sa BOI report.

Napuna rin sa report ang paglabag ni Purisima sa suspension order ng Ombudsman sa kanyang partisipasyon sa inilunsad ng operasyon laban sa mga terorista.

Nagbigay din umano si Purisima ng "inaccurate" information kay Pangulong Aquino nang sabihin sa text na " SAF Commandos were pulling out and that they were supported by mechanized and artillery support."

Magugunitang ayon sa pahayag ng 6ID pasado alas-5:00 na ng hapon nakapaglunsad ng artillery ang militar laban sa mga bandidong grupo.

Tinukoy din sa report ang kapalpakan ni Napeñas kabilang na rito ang pagtalima kay Purisima sa kabila nang kaalaman na suspendido ito ng Ombudsman.

Nabigo rin umano si Napeñas na i-supervise effectively, at i-control ang mga tauhan na humantong sa pagkasawi ng 44 na miyembro kung saan ginamit pa nito ang "Time on Tagert" coordination concept sa kabila nang kautusan ng Pangulong Aquino na dapat makikipag-ugnayan sa militar bago ang operasyon.

Nabanggit din bilang defective umano ang Oplan Exodus dahil sa mga sumusunod:

1. Poor analysis of the area of operation
2. Unrealistice assumptions
3. Poor intelligence estimate
4. Absence of abort criteria
5. Lack of flexibility in its CONOPS
6. Inappropriate application of TOT
7. Absence of prior coordination with the AFP and AHJAG.

Samantala, nadiin din ang militar sa madugong operasyon nang tukuyin sa BOI report na hindi kaagad nakapagsagawa ng artillery support matapos ikonsidera umano ni 6ID commander M/Gen. Edmundo Pangilinan ang peace process at protocols bago ang paglunsad ng artillery fire.

Tinukoy naman ang hindi umubrang radios ng SAF commandos dahil hindi nakadisenyo sa military-type tactical operations bunsod ng battery poor power na humantong sa breakdown ng command and control sa halos lahat ng antas.

Napag-alaman din na defective ang ilang M203 grenade launchers.

Nakumpirma rin ang partisipasyon ng Estados Unidos ngunit limitado umano ito sa intelligence sharing at medical evacuations.

Lumabas din sa autopsy report na apat sa mga SAF commandos ang malapitang binaril habang sila ay buhay pa, kung saan ang iba ay tinanggalan muna ng protective vests bago binaril.

No comments:

Post a Comment