By
Garry Fuerzas | BomboRadyo, Google
COTABATO
CITY - Tumaas pa ngayon ang bilang ng mga sibilyan na nagsilikas dahil
sa pinaigting na all out offensive ng militar laban sa Bangsamoro
Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.
Sa pinakahuling engkwentro, apat na miyembro ng BIFF ang nasawi sa Brgy Pusao Mamasapano Maguindanao.
Isa sa mga nasawi na rebeldeng nakasuot pa ng PNP-SAF uniforms.
Narekober
sa mga nasawing BIFF ang isang 60 caliber machine gun, dalawang M14
rifles, isang M1 Garand rifle, mga bala at granada.
Apat
na sundalo rin ang nasawi kabilang ang isang Army Captain ng 6th Scout
Ranger Company na kinilalang si Captain Gromel Auman habang lima rin ang
nasugatan sa mga tauhan ng 33rd Infantry Battalion Philippine Army.
Umaabot
na rin sa 40 na mga miyembro ng BIFF ang nasawi sa mahigit isang
linggong pagtugis ng militar sa mga rebelde sa Maguindanao.
Darating
rin ngayong araw sa Maguindanao ang 11th Scout Ranger Company ng
Philippine Army mula sa Compostela Vally na tutulong sa pwersa ng 6th ID
sa pagtugis sa BIFF.
Tiniyak
naman ni 6th ID Public Affairs Chief,Captain Jo-Ann Petinglay ang
kaligtasan ng mga bakwit sa nagpaptuloy na operasyon ng militar sa
Maguindanao.(Bombo Garry Fuerzas)
No comments:
Post a Comment