Source: BomboRadyo, Google
Napag-alama
na bukas na sana o sa darating na Lunes ang deadline ng pagsumite ng
report ng BOI kay PNP OIC-chief Police Deputy Director General Leonardo
Espina na siyang magsusumite naman kay Interior and Local Government
Secretary Mar Roxas.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay
OPAPP Secretary Teresita "Ging" Deles, umaasa ito na hindi iuurong ang
target date sa pagpasa sa BBL kung mapatunayang may kasalanan ang Moro
Islamic Liberation Front (MILF) sa engkwentro na ikinasawi ng 44 SAF
commandos.
Aniya,
hayaan sanang ipaubaya sa korte ang nagkasalang kampo dahil naniniwala
silang committed pa rin ang MILF sa peace negotiations.
Kampante
rin ito sa constitutionality ng BBL at umaasang maisasagawa na ang
eleksyon sa Bangsamoro entity sa susunod na taon dahil pagod na rin ang
mga residente sa paghihintay.
Sa
kabila nito, tiniyak ng kalihim na ipinauubaya nila ang pagpasa ng
naturang panukalang batas sa Kongreso na balak na pagtibayin s buwan ng
Hunyo.
No comments:
Post a Comment