Wednesday, February 18, 2015

Piolo Pascual looking forward to first shooting day with Sarah Geronimo

by: Jeff Fernando| abs-cbn.push.com



021715-piolo2_mainp.jpgMasaya ang fans nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo dahil matutuloy na ang unang pelikula na pagsasahana nila na isang romantic comedy. Unang napabalita na hindi ito matutuloy pero ngayon mukhang maayos na ang lahat kaya’t nababanggit na ito nina Piolo at Sarah sa kanilang interviews.

Para kay Piolo, bagong challenge ito sa kanya na nagbigay pa ng nakakabitin na teaser kung ano ang kanyang magiging papel.

“For a time nagkaroon kami ng problem sa script so tuloy na siya ngayon, nagkaroon ng tweaking sa story maganda siya hindi ko pa pwede sabihin pero kakaiba ang concept. I’m excited and at the same time I’m scared meron kasi requirements na hinihingi I have to learn to play something and marami hinihingi ang role.”

Ngayong 2015 ang target na showing ng pelikula na sisimulan na kaagad ang shooting.

“As soon as ma confirm na ang story, sisimulan na ang shooting so hopefully within the year maipapalabas ang pelikula.

Marami nang nagawang romantic comedy movies si Piolo at tanggap niya daw na ito ang hinahanap lagi ng mga manonood ng pelikula.

Hindi mo maaalis ang love teams eh iyun ang formula sa atin iyun ang hinahanap ng mga tao for a time I went indie because I want to think out of the box and do something different pero babalik at babalik ka pa rin sa main stream which is rom-com I don’t mind. I’m just an actor a team player at gagawin ko lang kung ano ipagawa sa akin.”

Nagkaroon na rin ng pagkakataon na makapag bonding sina Piolo at Sarah pero mukhang kailangan pa nilang magkasama ng matagal tagal.

“Actually nag uusap na kami pero lagi siya nag “po” kaya tumatayo na ako umaalis na lang ako (laughs). Tama ba naman na ganun alam mo naman si Sarah napaka magalang na tao pero ok naman mas kumportable na siya siguro ngayon we just really have to break the ice kasi matagal na kami magkasama sa ASAP more than ten years.”

“Actually pinag iisipan na kung mag duet kami sa theme song kasi we both sing. Maganda ang konsepto mahirap lang I kuwento pero pareho pa namin ito hindi nagagawa sa isang movie so pareho kami excited.”

Pabiro naman ang naging sagot ni Piolo kung ok ba sa kanya na magkaroon sila ng kissing scene ni Sarah

Si Sarah na lang tanungin nyo regarding that (laughs). Ako ok lang naman sa magulang ko, ok lang sa anak ko.”

No comments:

Post a Comment