Monday, February 16, 2015

House probe sa Mamasapano, suspended muna


Nagkasundo ang dalawang chairperson na nangangasiwa sa Mamasapano investigation sa Kamara na ipagpaliban muna ang kanilang mga hearings.

Ayon kay House public order and safety committee at Negros Occidental Rep. Jeffrey Ferrer, hihintayin na lang muna nila ang magiging resulta ng board of inquiry ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi pa ni Ferrer na consensus ng kaniyang mga kasamahan ang pagpapaliban ng Congressional inquiry.

Nabatid na pumayag din si Rep. Jim Hataman-Salliman ng House peace, reconciliation and unity committee na hayaan muna ang mga imbestigador sa kanilang trabaho bago ituloy ang kanilang version ng pagsisiyasat.

Naniniwala naman si Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares na may kumpas ng Malacanang ang naging pagpapaliban ng Mamasapano probe sa Kamara.

No comments:

Post a Comment