Ni: Aram Odumreb
Sa araw-araw na rotina nang buhay ng mga taga-Maynila, taal man na Manileño o hindi, magmula pa noong 1999 ng magsimula ang unang komersyal na byahe ng MRT (Metro Rail Transit) ay naging parte na ito ng buhay ng maraming Pilipino dito sa Kamaynilaan.
Ito kasi ang nagsisilbing mabilis na paraan para makarating ang sinoman sa lugar na kanyang pupuntahan saan mang parte ng Lungsod lalo't higit wala siyang pribadong sasakyan at ayaw niyang maipit sa nakamamatay na buhol-buhol na trapiko sa Lungsod.
Pero ang lahat ay nagbago. Kasi mula pa noong Setyembre ng taong 2013 hanggang Enero 4, ngayong taon (2015) mahigit sa 2,130 na insidente na ang naitalang aberya ng pampublikong pasilidad na ito. Ito ay dahilan umano sa kawalan ng sapat na oras at panahon para sa umanoy 'maintenance' ng mga riles at tren at idagdag pa ang kawalan ng pondo para rito.
Ang lahat ng aberyang ito ay kinabibilangan ng pagka-antala ng byahe ng tren, pagtirik ng makina, biglaang paghinto ng tren nang wala pa sa tamang lugar, paglagpas ng tren at muntikan nang pagbundol nito sa poste ng LRT sa dulo ng Taft Avenue Station, Pagkasunog ng aircon at marami pang iba. Ito ang ilan lamang sa insidenteng hanggang ngayon ay pilit na ikinukubli at isinasantabi ng Pamunuan ng MRTpati na ng National Government.
Dahilan sa kaliwa't kanang aberyang ito, iminungkahi at sapilitang ipinatupad ng Pamunuaan nito ang sabay na pagtataas ng pasahe sa MRT at sa LRT. Na kahit kuwestyunable ay hindi natakot ang kanilang hanay sa agaran at walang puso nilang pagpapatupad nito. Ito diumano'y sagot nila sa mga gastusin ng Ahensya para sa pagsasaayos ng mga riles, tren at sa pangkalahatang serbisyo ng MRT at LRT.
Tigil Pasada
Sa pinakabagong ulat, dahil parin sa patuloy na aberyang nagaganap sa operasyon ng MRT, Imunungkahi ng iilan ang pagpapatigil sa operasyon nito para sa agarang rehabilitasyon nito.
Ayon kay Engr. Rene Santiago (Rail Expert) kailangang itigil ang operasyon ng MRT sa araw ng linggo sapagkat ito ang mas katanggap-tanggap na araw para gawin ang 'maintenance' sa mga riles at tren sapagkat mas kokonti raw ang sumasakay sa mga araw ng linggo.
Ngunit ayon sa ilan na ayaw makipagsapalaran sa EDSA, hindi naman daw kailangang itigil ang operasyon nito sapagkat marami pa diumanong pwedeng gawin at solusyon para ma-solusyonan ang problema dito.
Ayon kay Ginoong Mel Robles dating LRTA Administrator, pwede raw umanong ilagay ang mgta bagong tren ng LRT sa MRT. Bagay na nasubukan na nila noong siya pa ang nangangasiwa rito. Ngunit kontra si Ginoong Santiago rito sapagkat hindi raw akmang gawin ito.
Ayon naman kay Sec. Jun Abaya "Kung hindi na safe ang tren tigil tayo maski mabatikos tayo. But, so far they're not, so tuloy tayo".
Kung matutuloy kasi ang mungkahing i-shut down ang operasyon, tiyak na bababa sa EDSA ang mahigit na 550,000 hanggang 600,000 na mga pasahero ng MRT sa EDSA at tiyak na makadaragdag sa bigat ng daloy ng trapiko rito.
Ang 'Yun-'yon; OpinYon! ay hatid sa inyo ng ROYALE CHOCO ALL-8!
Para sa masustansyang inumin... Ugaliing uminom ng Choco All-8!
Call (02)621 7134 For your Orders and Inquiries
or Click here
Anong Problema?
Para po sa kaalaman ng ilan ang problemang ito ay hindi lamang po nangyayari sa MRT. Ito po presente at nangyayari rin sa LRT at sya ring nararanasan ng mga pasaherong araw-araw ay nagbu-buwis ng kanilang mga buhay sa pagsakay sa PNR. Ang sabi nga po ng ilan sa mga pasahero ng PNR na aking nakapanayam. Mabuti pa raw sa MRT at kahit papaano ay 'air-con' ang tren. Sa PNR ay hindi at talagang sobrang siksikan.
Tanong ko tuloy - Anong nangyayari sa ating Gobyerno? Hindi ba't ang lahat ng pampublikong pasilidad ay may taunang pondo mula sa Gobyerno? Anong ginagawa ng Pamunuaan ng MRT, LRT at PNR para hindi solusyonan ang matagal ng problemang ito?
Maghihintay pa ba silang ipatawag sa Senado at ipakalkal ang kanilang Book of Accounts? Kasi sigurado ako may nangyayari at siguradong may MALI dito. Bakit? Sa MRT lang, sa bilang na 550,000 hanggang 600,000 na pasahero araw-araw dito pa lamang ay malinaw na dapat ang 'revenue' o kita ng Ahensya.
Paano pa iyong mga advertisements nila rito. Yung mga nawala at natuping tiket o hindi ba't dagdag kita rin ito? Dito pa lamang dapat nakapag-ipon na ang kanilang Pamunuan para sa maintenance ng kanilang mga pasilidad. Eh, meron pang asistensya o pondo mula sa Gobyerno. Kaya paano nila mapapaniwala ang publiko na walang pang-maintenance ang kanilang hanay at ni simpleng mga 'hand straps' o mga hawakan ay hirap pa silang magbigay. Kaya sa Pamunuaan ng MRTA - -Ma'am, Sir, Ano nga kasi ang Problema?
Ano nga ba ang Solusyon?
Napanood ko iyong isa sa mga panayam nila Karren Davila at mga kasama nito sa tagapagsalita ng MRTA/LRTA na si James Relativo at tahasang kinuwesyon ng una kung ano nga ba ang nangyayari sa serbisyo ng MRT at kung masisiguro ng kanilang hanay na hindi na mauulit ito. Ngunit nakakabigla ang sagot nito na asahan pa raw umano ng Publiko ang mga kahalintulad na aberya at problema.
Kung ikaw ay ara-araw na sumasakay ng tren nang MRT, Sasakay ka pa ba rito gayong mismong tagapagsalita na ng MRT ang nagsaad nitong nakakapangilabot na pahayag?
Opo, nakakapangilabot po ito sapagkat, hindi lamang po isang buhay ng tao ang nakataya rito. Kinasasangkutan po ito ng libo-libong buhay na binubuo ng bata, mga estudyante, mga trabahante, may edad at kahit mga Senior Citizens ng ating bansa.
Marahil po, kung hindi matitiyak ng Pamunuan ng MRT o maging ng LRT at PNR ang kaligtasan ng lahat ay kinakailangan ngang ipahinto ang kanilang operasyon para mapag-aralan, mabusisi, palitan ang dapat palitan at kumpunihin ang dapat na kumpunihin para hindi naman ma-kompromiso o malagay sa peligro ang mga taong ilang taon o dekada nang umaasa sa kanilang serbisyo.
Kailangang maunawaan ng kanilang hanay na hindi lamang sa 'bilis' nang byahe umaasa ang kanilang mga pasahero. Sumasakay ang mga ito dito sa pag-asang maibibigay nila ang pinaka-kombenyente at ligtas na pamamaraan ng pagba-byahe patungo sa kanilang mga trabaho at pabalik sa kani-kanilang mga bahay.
Itigil na sana nila ang pagtuturuan at simulan kaagad ang aksyon. Gayong aminado din naman at tukoy na rin naman ng Pamunuan ang talagang problema eh, dapat sana ay dito na sila mag-focus. Sinasabi nilang luma na ang riles at mga tren. Di gawin nila ang dapat nilang gawin para mapalitan ito sa lalong madaling panahon nang wala pang buhay ng tao ang nadi-dehado.
At kung bibili man sila ng mga bagong unit ng tren - pakiusap lang maging tapat naman sana kayo sa inyong mga "Bosing". Bilhin ang bago at hindi mga basura ng ibang bansa, nang maiwasan na natin ang ganitong mga problema sa hinaharap. Kasi kung mahirap ipatigil ang operasyon nito sa ngayon. Mas mahihirapan tayo sa susunod na mga taon.
Makiaalam na sana ang Palasyo partikular na ang Pangulo sa disposisyon ng problemang ito sapagkat halata namang hindi na kayang solusyunanan ng Pamunuaan ng MRT ang problemang ito.
Ngayon sakali mang tuluyan na nang bumigay ang mga bugbog sarado at naabusong mga tren ng MRT, Tanong natin ngayon sa mga Parokyano ng MRT, tigil pasada nito - Kaya n'yo ba? Baka sasabihin n'yo... Naku' h'wag naman sana!
No comments:
Post a Comment