By Bombo Leizl Galan
BEIRUT,
Lebanon - Umaabot na sa 132 na mga Islamic fighters ang napatay sa
bakbakan ng ISIS at ng Kurdish forces sa lalawigan ng Hasaka sa Syria.
Katulong ng Kurdish forces ang US-led coalition na nagsasagawa ng airstrikes habang patuloy ang bakbakan.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, nasa 70 barangay na ang nakokontrol ng Kurdish fighters.
Ngunit dinukot naman ng ISIS ang nasa 150 katao sa lugar sa gitna ng kaguluhan.
Maalala na noong nakaraang buwan ay matagumpay ding naitaboy ng Kurds ang ISIS sa Kobani sa Syria sa tulong ng airstrikes ng international coalition. (AFP)

No comments:
Post a Comment