Friday, February 27, 2015

DILG dumipensa sa pag-relieve sa bantay ni Bong

  Image result for images for Chief Supt. Alberto Supapo
By  Analy Soberano | BomboRadyo & Google
 
Ni-relieve sa kanilang pwesto ang ilang opisyal ng Custodial Center ng PNP Headquarters Support Service sa pamumuno ni Chief Supt. Alberto Supapo matapos payagan nito ang nakakulong na si Senator Bong Revilla na dumalo sa 91st birthday ni Sen. Juan Ponce Enrile noong February 14 sa Kampo Crame.

Tiniyak naman ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga sinibak na opisyal.

Sinabi ni Roxas na batay sa imbestigasyon may mga hindi na nasunod na patakaran at dahil sa mga lapses sasampahan ng kaso ang nasabing mga opisyal.

Panawagan ng kalihim sa mga nakakulong na mga matataas na opisyal ng pamahalaan na huwag impluwensiyahan ang mga kapulisan dahil ang mga ito ang nalalagay sa alanganin.

Paglilinaw naman ni Roxas na ang pagkakasibak kay Supapo at sa iba pang opisyal ay batay sa isinagawang imbestigasyon ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM).

Samantala, ayon naman kay PNP OIC chief Deputy Director General Leonardo Espina sasampahan ng administrative case si Gen. Supapo at iba pang opisyal.

No comments:

Post a Comment