By Reymund Tinaza |
BomboRadyo
Binigyang-diin ngayon ng Malacañang na bababa lamang si Pangulong Noynoy Aquino sa June 30, 2016.
Sa harap ito ng panawagan ng grupong EDSA 2/22 Coalition para sa pagbibitiw ni Pangulong Aquino at magtatag ng isang people’s transition government na pamumunuan ng Chief Justice ng Supreme Court.
Maliban
pa ito sa grupo ng ilang obispo at mga taga-academe na nananawagan sa
resignation ni Pangulong Aquino dahil sa umano'y sablay na pag-handle sa
Mamasapano encounter.
Sinabi
ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, tatapusin ni
Pangulong Aquino ang kanyang termino at hindi mapagbibigyan ang hirit o
kapritso ng kanyang mga kalaban.
Ayon kay Valte, wala ring indikasyong mayorya ng mga Pilipino ang pabor sa nasabing mga panawagan.
Sa kabila nito, iginagalang ng Malacañang ang ganitong pagkilos bilang bahagi ng buhay na demokrasya.
"Kahit
doon… Pagdating naman sa mga ganyan, you know, it’s part of the
democratic space that we enjoy. So they are free to make statements, to
issue calls for whatever action. Obviously, we disagree with their
statements and their calls to action, but it’s part of the democratic
free space that we have. And you know, even if he is a former government
official, he is free to adopt any position that pleases him or suits
his liking. That’s all I can say about that," ani Valte.
No comments:
Post a Comment