Wednesday, February 25, 2015

Bagong G77 & China leader, Pinoy

Image result for images for United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO)

Inihalal ang Pilipinas bilang pinuno ng Group of 77 (G77) and China ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) para sa 2015.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), si Philippine Ambassador to France at Permanent Delegate to UNESCO Maria Theresa Lazaro ang nahalal sa plenaryo kamakailan ng G77 and China na idinaos sa UNESCO Headquarters.


Ang G77 and China ay isang grupo ng mahihirap na bansa na itinatag ng Geneva noong 1964 sa unang United Nations Conference on Trade and Development. Mula sa orihinal na 77 miyembro, nasa 134 bansa na ngayon ang kasapi ng grupo, na pangunahing layunin ang paunlarin ang pamumuhay ng mga taon sa mahihirap na bansa.

Papalitan ni Lazaro si Ambassador Ahmad Sayyad ng Yemen bilang pinuno ng G77 and China.

No comments:

Post a Comment