Wednesday, February 18, 2015

PNoy, walang public events dahil sa coup rumors?

 Ni:  Reymund Tinaza | BomboRadyo 

Tahasang itinanggi ng Malacañang na nagtatago ang Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa publiko.

Sa ngayon, 18 araw nang hindi lumalabas ang Pangulong Aquino sa Malacañang kung saan karaniwang schedule ay meeting sa gabinete o pagtanggap ng mga bisita.

Nitong weekend, kanselado rin ang pagdalo ni Pangulong Aquino sa kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, lahat daw na ginagawa ng Pangulong Aquino ay para sa kabutihan ng bansa.

Pero hindi nabanggit ng opisyal kung sadya o nagkataon lamang na puro indoors ang events ng Pqngulong Aquino.

Nataon naman ito sa gitna ng umano'y nilulutong kudeta laban sa Aquino administration dahil sa kakulangan nito aksyon kaugnay ng kontrobersiyal na pagkasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) matapos makasagupa ang tropa ng MILF at BIFF sa Mamasapano, Maguindanao.

Mariing itinanggi ni dating National Security Adviser Norberto Gonzales ang akusasyon ni Sen. Antonio Trillanes IV na siya ang nasa likod ng planong kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Aquino.

Gayunman aminado si Gonzales na suportado nito ang panawagan ng mga religious leaders na dapat bumaba na sa pwesto si Pangulong Aquino.

"The National Transformation Council has been making this call for years," ani Gonazales.

Tahasang sinabi pa ni Gonzales na walang problema sa kanya ang pagkaroon ng isa pang EDSA revolution dahil wala aniya siyang nakikitang masama dito.

"I'm mobilizing our people. It's not a coup; it's people power," dagdag pa ng dating opisyal.

Katunayan mino-mobilize umano nito ang taong bayan at ito ay hindi kudeta kundi ang totoong tinig ng mamamayan.

"I'm mobilizing our people. It's not a coup; it's people power," wika pa ni Gonzales.

No comments:

Post a Comment