Ni: Aram Odumreb
Parating palang ang anomang okasyon gaya ng nakalipas na 'Araw ng mga Puso' ay kitang-kita na ang mga Mobile TelCo Companies sa buong mundo lalo na dito sa atin sa Pilipinas, kung saan tayo ang kinikilalang "texting at Social media capital ng mundo" kaya naman tiba-tiba rin sa kita at kaliwa't kanang promosyon ang mga Kompanyang ito na wala ng ginawa kundi ang uhawin at pagsamantalahan ang kanilang mga subscribers sa mga promosyong madalas o kadalasan ay hindi totoo [misleading promos and ads] at kaakibat nito ang kaliwa't kanang reklamo o complaints ng mga subscribers laban sa ganitong mga uri ng serbisyo.
Kakatapos lamang ng selebrasyon ng 'Araw ng mga Puso' pero heto na naman tayo at para bagang sasabog ang ating puso sa mga nakaka-pikong serbisyo ng mga Telco Companies dito sa ating Bansa. Ang nasa-itaas na screen-grab ay ilan lamang sa mga reklamo ng mga kustomer ng Smart Communications. Ang sinasabing numero unong Mobile Network Operator ng bansa dahilan sa maraming bilang ng kanilang mga kustomer o subscribers.
Ang inyo pong lingkod ay matagal ng suki ng nasabing Kompanya, nasa huling mga baitang palamang tayo sa Elementarya ay 'subscriber' na tayo ng buwayang network na ito. Mula noon, wala pang electronic load (ELoad) noon [kung saan, P300 pa ang pinaka-minimum na pwede mong i-reload sa iyong account] ganito na ang gawain ng buwayang Network na ito.
At mula rin noon, ninais ko ng lumipat ng ibang bakuran ngunit sa tuwinang magpapalit ako at magku-kwento sa mga kaanak hinggil dito palagi na nilang sasabihing huwag na at kesyo mapapapamahal lang ang pantawag at pagpadala ng mensahe at pare-pareho lang naman daw diumano ang mga gawain ng mga kompanyang ito.
Naisip ko tuloy, Ano ang ginagawa ng mga sangay ng Ahensya ng Pamahalaan para protektahan ang kanilang mga 'Bosing' [Ika nga ni Pnoy] laban sa mga abusadong mangangalakal na ito? Ano ang ginagawa ng National Telecommunications Commission (NTC) at maging ng Department of Trade and Industry (DTI) - kung sino man ang mas nakakasakop dito?
Siguro naman hindi sila bingi at mulat naman siguro ang kanilang mga mata para makita at malaman nila kung ano ang kalakaran sa mga kompanyang ito. Hindi naman siguro sila mayayaman para kumuha ng 'Postpaid Plans' para hindi nila maranahasan ang manakawan ng mga kompanyang ito na siyang paulit-ulit na nararanasan ng mga maliliit at mahihirapan nating mga kababayan.
Ang gawain po ng Smart Communications (tahasan ko pong pinapangalananan ang kompanyang ito sapagkat ito ang gamit kong serbisyo mula pa noon at ako mismo ang palagian ng biktima nito) ay isang uri ng makabagong pagnanakaw sa mga mamamayan ng Pilipinas at hindi po ito dapat na isinasawalang-bahala ng Gobyerno. This is a type of fraud that the Government should not set aside! Kailangan po ng agarang aksyon ng Pamahalaan dito!
Bakit? Sabihin na nating may 20 milyong subscribers ang Smart Communications [kahit na alam naman natin na mahigit pa rito ang aktwal na bilang ng kanilang mga subscribers] at sa araw-araw na ginawa ng Dios ay nagnanakaw sila sa bawat isang subscriber ng kahit na P1 (Isang Piso) lamang - O hindi ho ba't milyones parin ang rebenyu (revenue) o kita ng Kompanya kahit sa Maling paraan? Paano na lamang po sa tulad ko na kung kainan nila ay P15, P30, P60 at doon sa mga nagrereklamong P100 pataas? hindi ba maliwanag na krimen at paglabag sa karapatang pantao ang ginagawa nila? Ngayong araw ng mga puso lamang, isa na namang P30 ang ninakaw saakin ng kompanyang ito ng walang kahirap-hirap.
Kung sasabihin nilang mali ang pahayag kong ito - Bakit kapag ka tatawag sa kanila para i-report ang ganitong insidente ay kung anu-anong hinahab nilang rason o palusot ang ibibigay sa'yo para lamang masabi nila na balido 'valid' and charge na naganap? Sa kaso ko po, isa sa mga ibinigay nilang palusot ay yaong nacharge daw ako ng P30 sapagkat nagpadala raw ako ng text messages sa abroad. Samantalang hindi nila maibigay ang numerong pinadalhan at ni petsa ng transaksyon ay hindi rin maibigay. Kahit na nga sinabi ko na wala akong itenetxt na kamag-anak sa abroad. Marami pa hong sumunod na personal complaints ang idinulog ko sa kanilang Customer Service line na walang nangyari. Isa pa, Bakit kinakailangang mag prepaid balance ang kanilang mga customers para lamang maka-usap ang kanilang mga Representatives na kahit sa landline ka tumawag para mag-reklamo ay ganoon parin ang sasabihin sa'yo na wala kang balanse at kinakailangan mo munang mag-reload para maka-usap ang isa sa mga barubal nilang ahente. At paano kami maglo-load kung right after na pumasok ang confirmation message eh, otomatikong kinakain ang load?
Ngayon bakit ko nasabing sobrang garapal ng serbisyo at ng Kompanyang ito? Isa pa, kahit ang mga Call Center Representatives nila sinanay ng Management na paikutin ang kanilang mga Customers and worst paghindi na nila kayang i-handle ang tawag bigla nilang papatayin ang linya. At kahit na humingi ka ng Supervisor, mas madalas na mapuputol ang linya kesa sa maka-usap ka ng bisor sa kanila. At maka-usap ka man - sasabihin sayo na maghintay ng 3-5 business days para sa kanilang imbistigasyon - Pagkatapos no'n ano? Limot na nila at hindi na nila alam ang pag-uusap niyo pagkamagpa-follow up ka. Nakita niyo na? Kung hindi totoo ito? Bakit ang mga Scial media Accounts nila punong-puno ng reklamo? At bakit pagka-masyado ng masakit ang reklamo ng mga subscribers bigla na lamang nilang aalisin?
Isa pang punto dito ito - Kung totoong may puso ang Management at mga tao sa Kompanyang ito, bakit mo paghihintayin ang mga Customers niyo ng ganoon katagal gayong ura-urada niyong kinain ang load ng pobreng si Juan? Kahit na nga 24 oras na pagbe-beripika ay napakatagal na noon at hindi na katanggap-tanggap! Bakit? Paano kung ang taong ito ay nasa kalagayan ng "buhay at kamatayan?" (life and death situation) o iba pang 'emergency' na sitwasyon? Mapapanagutan ba ng Manehamiento [management] ang mga ito?
Ang matapang na Editoryal na ito ay hatid sa inyo ng ROYALE PRIME
Para siguradong tigasin at Walang sakit na kinatatakutan...
Take Royale PRIME everyday para health mo Okay na Okay! For orders click here
[Paid Ads]
Take Royale PRIME everyday para health mo Okay na Okay! For orders click here
[Paid Ads]
Sa Estados Unidos po para sa kaalaman ng lahat apwera sa mga sangay ng gobyerno na nagre-regulate ng takbo ng negosyo - meron pa po silang Ombudsman at BBB - Better Business Bureau na siyang nangangalaga at gumagabay sa mga mamimili at mga subscribers para masigurong nakukuha nila ang serbisyong kanilang binabayaran at serbisyong para sa kanila. Doon po madalas ang mga Kompanya ang biktima ng mga abusadong kliyente o mga kustomer. Pero dito saatin sa Pilipinas masyadong baliktad. Dito po palagi ng ang mga Kompanya ang abusado at nagpapatupad ng kani-kanilang mga patakaran kahit na nga alam nila na labag na sa ating Batas ang kanilang ginagawa.
Bakit umaabuso? Kasi pinababayaan ng ating gobyerno at ng marami saatin!
Mula pa po noon ganito na ang sistema ng mga Kompanyang gaya ng Smart Communications. Ilang dekada na po silang nagpapasasa at nagsasamantala sa kahinaan ng ating mga kawawang mga kababayan. Naniniwala na tuloy ako na genius nga ang may-ari at chairman ng Smart Communications na siya ring Chairman ng iba pang malalaking Kompanya sa bansa. Pero ano man ang tawag sayo ng mga kaalyado at empleyado mo - Ito lang masasabi ko sa'yo sa dami ng taong pinagnakawan mo, ang anomang ginawa mo saaming maliliit ay siya ring ginawa mo sa itaas - Sa Panginoon sa Langit! Nabigyan ka nga ng talino sa Negosyo pero sinasayang mo ito sa panlalamang sa kapwa mo.
Sa mga Opisyal ng Gobyerno na ang mga bunto't ay tumitiklop pagka ang reklamo ay laban sa mga mape-pera sa bansang ito - Isipin niyo na ang Kapabayaan at hindi paggawa sa inyong sinumpaang tungkulin ay isa ring porma ng kasalanan. Ipagtanggol niyo ang mga totoong bumubuhay sa bansang ito. Wakasan niyo ang monopolyo at paghahari ng iilang tao lamang sa bansang ito. Usigin ang dapat usigin - Parusahan ang dapat na parusahan. Dito po natin simulan ang pagbabagong hinahangad natin saating lipunan. DTI at NTC pati na rin ng mga tao sa Supreme Court (dami ng nakabinbin ng reklamo sa inyo) HOY GISING! Galaw-galaw para di ma-istrowk! Unahin niyo na ang Smart Communications!
No comments:
Post a Comment