Wednesday, February 18, 2015

Gamiaw Regional: Security guard, kulong nang molestiyahin ang anak ng nakukursunadahang babae

Source:  BomboRadyo Naga 

NAGA CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang security guard matapos na subukang pagsamantalahan ang isang dalagita sa Gumaca, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Aries De Leon, 22-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima kung saan niya ito nadatnan na natutulog.

Ginising umano ng suspek ang 15-anyos na dalagita upang hingin dito ang cellphone number ng kaniyang ina ngunit tumanggi ang biktima.

Bunsod nito, ang dalagita ang pinagbalingan ng salarin at hinila bago niyakap.

Nagpumiglas naman ang biktima at kinagat ang braso ng salarin kung kaya nakatakas ito.

Nang makahingi ng tulong sa mga pulis, agad na nahuli ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 at nakakulong na rin sa Gumaca District Jail.

Category: Gamiaw Regional News

No comments:

Post a Comment