Solong
ikalawang puwesto ang tatangkaing makamit ng nagdidepensang kampeon na
Purefoods sa kanilang pakikipagtipan sa Kia Carnival sa tampos na laro
ngayong gabi sa nakatakdang doubleheader sa pagpapatuloy ng aksiyon ng
elimination round ng PBA Commissioner’s Cup sa Smart-Araneta Coliseum. - Balita.net.ph
Kasalukuyang kasalo ng Talk ‘N Text ang Star Hotshots sa ikalawang posisyon hawak ang parehas na barahang 4-1, panalo-talo, kasunod ng solong lider na Meralco na nananatiling walang bahid matapos ang limang laban.
Kabuntot naman nila ang Barako Bull na naiiwan lamang ng isang panalo taglay ang kartadang 3-1.
Para naman sa Kia, magtatangka ang mga ito na makamit ang asam na ikalawang pano matapos makaranas ng dalawang sunod na kabiguan matapos makamit ang unang panalo kontra San Miguel Beer.
Mauuna rito, target din ng Barako Bull na makabalik sa winner’s column matapos na sumadsad sa unang pagkakataon pagkaraan ng limang laban sa kamay ng Talk ‘N Text Tropang Texters noong nagdaang biyernes, 75-80.
Umaasa ang import ng Energy Cola na mauunawaan na ng kanyang mga lokal na kakampi ang kahalagahan ng pagdidipensa para sila manalo.
Matatandaang hindi naitago ni Solomon Alabi ang kanyang pagkadismaya sa kanyang mga kakampi nang aniya’y hindi siya pakinggan ng mga ito na paigtingin ang depensa sa huling laban kontra TNT.
Sa panig naman ng Batang Pier, magsusumikap din itong bumangon mula sa natamong 84-86 na kabiguan sa kamay ng Bolts noong nagdaang Linggo na nagbaba sa kanila sa ikalimang puwesto kapantay ng Barangay Ginebra taglay ang rekord na 2-3.
No comments:
Post a Comment