Monday, March 9, 2015

Rachelle Ann, sagot ng Disney ang pamasahe pag-uwi ng ‘Pinas

BALIK-PILIPINAS ngayong linggo si Rachelle Ann Go para sa promo ng pelikulang Cinderella ng Walt Disney na mapapanood na sa Marso 12.
Rachelle Ann Go  
Si Rachelle ang napili ng Walt Disney Studios Southeast Asia na kumanta ng very famous song ni Cinderella na A Dream Is A Wish Your Heart Makes bilang representative ng Pilipinas.


Tinanong namin ang manager ng singer/actress na si Erickson Raymundo tungkol dito.

“She recorded her version of the Cinderella song. Siya napili ng Disney. At nag-record sila ng music video na ipapalabas din,” sagot ni Erickson.

Noong nakaraang taon ay si Sarah Geronimo naman ang napili para kumanta sa music video na The Glow na napanood sa Disney Channel. Napili rin si Kim Chiu upang mag-pictorial noong nakaraang Oktubre bilang Mulan para sa Disney calendar.

“For promo lang ‘yung music video niya,” kuwento ni Erickson, “pinakanta sa kanya pero ‘di naman gagamitin sa actual sa movie. Pero sobrang nagustuhan siya (Rachelle Ann) at full production sila, as in. Pauuwiin pa siya dito to promote.”

Sinagot ng Disney ang pamasahe ni Rachelle Ann pauwi ng Pilipinas ngayong linggo. Pati ‘yung pagpunta ni Erickson sa London para sa negosasyon nila ay sinagot din ng nasabing kompanya.
Magtatapos na ang kontrata ni Rachelle Ann sa Miss Saigon bilang si Gigi sa Mayo 9, 2015 at pinag-iisipan pa ng dalaga kung muli siyang pipirma.

Kaya sa pagdating ni Rachelle Ann ay saka lang natin malalaman, Bossing DMB ang final answer. - Balita

No comments:

Post a Comment