Tuesday, March 3, 2015

MMFF Cinema, binuksan sa Makati

 
Balita, Google

Binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko ang bagong tayong Metro Manila Film Festival (MMFF) Cinema sa Barangay Gaudalupe, Makati City.

Ang apat na palapag na MMFF Cinema ay may 120 upuan at katabi lang ng tanggapan ng MMDA.

Mapapanood sa nasabing sinehan ang lahat ng pelikulang lumahok sa MMFF.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ipinatayo ng ahensiya ang gusali upang palawigin ang kaalaman ng publiko tungkol sa industriya ng pelikula.

Aniya, magsisilbi rin itong koleksiyon at dokumentasyon ng mga hindi matatawarang pelikulang Pilipino.

No comments:

Post a Comment