Tuesday, March 3, 2015

P30,000 halaga ng abandonadong troso, nakumpiska sa Quezon

Image result for images of troso 
Bombo Radyo Naga, Google

NAGA CITY - Umaabot sa P30,000 na halaga ng inabandonang narra ang nakumpiska sa Barangay Carlagan, Burdeos, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na isang residente ang nagpaabot ng impormasyon sa mga otoridad hinggil sa naturang mga troso.

Kaagad namang pinuntahan ng mga pulis ang lugar at doon nakumpirma ang nasabing report.

Labing dalawang abandonadong square logs ng narra ang nakuha sa lugar na aabot sa 557 board feet at may market value na P33,420.

Pansamantalang nasa kustodiya ng PNP-Burdeos ang mga kahoy at nakatakdang I-turn over sa MENRO para sa disposisyon.

No comments:

Post a Comment