Thursday, March 19, 2015

PA, PN, nagsipagwagi sa dragon boat

Nakamit sa ikaapat na pagkakataon ng Philippine Army (PA) ang kampeonato sa Men’s Open division habang nagwagi ang Philippine Navy (PN) sa Women’s at Mixed Open category ng dragon boat race sa katatapos na Manila Bay Seasports Festival sa Roxas Boulevard sa Manila.


Ang mga batikang bangkero na mula Cadiz City at Agoo, La Union naman ang nagbulsa ng pangunahing puwesto sa bancathon.

Humarurot nang husto si Jerin Pasignalin na lulan ang “Lourd Cedric” upang mapanalunan ang Formula Race, samantalang buong husay na umarangkada si Ruben Quero bilang piloto ng “Angielyn” upang pagwagian ang Stock Race.

Dumalo si Liz Villasenor, na siyang Director ng Tourism & Cultural Affairs Office ng Lungsod ng Maynila, bilang kinatawan ni Mayor Joseph Estrada.

Ang 2015 Manila Bay Seasports Festival ay handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, Cobra Energy Drink, The Generics Pharmacy, Revicon, M. Lhuillier, Cignal, My Juiz, at Herco, ang official distributor ng makinang Briggs and Stratton.

No comments:

Post a Comment