Wednesday, March 11, 2015

12-oras na brownout sa Boracay


 Source: Google & Balita Online

BORACAY ISLAND – Makararanas ng 12-oras na brownout bukas, Marso 12, ang isla ng Boracay sa Malay, gayundin ang mga karatig bayan nito sa Aklan.

Ayon kay Engr. Joel Martinez, ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) magsasagawa ng power maintenance ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).


Magsisimula ang brownout ng 5:00 ng umaga na tatagal hanggang 5:00 ng hapon.

Bukod sa Boracay, apektado rin ng brownout iba pang bahagi ng Malay at ang bayan ng Buruanga, gayundin ang ilang barangay sa Nabas. – Jun Aguirre



No comments:

Post a Comment