Thursday, March 12, 2015

Kim Chiu to release her second album after eight years



031115-kim2_main.jpgNakapanayam ng Push.com.ph si Kim Chiu na kinumpirma na matapos ang walong taon ay masusundan na ang kanyang album na Gua Ai Di kung saan kabilang ang hit song niya na “Crazy Love.” At kung bakit umabot ng walong taon bago siya nagkaroon ng kasunod na album, ang biro ni Kim, “Pinatulog ko lang boses ko for a while, wow!”

“Something new, it’s my ninth year na rin sa showbiz sa June and then magbi-birthday na rin ako so regalo ko ito sa mga fans ko. Sa Instagram, ‘Kim, kailan ka ulit namin maririnig?’ Kasi sa mga shows ko abroad nagu-guitar ako, so parang, ‘Album na, album na’, ayun. I am very happy sa Star Records na binigyan ako ng offer and I am very happy and very excited na bumalik sa music.”

Aminado si Kim na kahit na nakapagrelease na siya ng isang matagumpay na record album noon, iba na ang pressure na nararmdaman niyang ngayon ay magkaka-album na siyang muli, “Yeah, sa eight years na yun ang daming nangyari sa buhay ko. Siyempre yung first album ko yun yung Gua Ai Di, yun yung chinese-chinese, pangyong-pangyong, ito naman ang title nito Chinita Princess, yeah. Ano siya it’s more of looking life in a positive way.”

Ibinahagi ni Kim ang ilan sa mga kanta niya dito, limang original songs at isang revival, ang “Wala Man Sa’yo Ang Lahat”. Dagdag niya pa, “Meron dun ‘Mr. Right’, ikaw nga ba si Mr. Right mga ganun. Merong ‘Wala Man Sa Iyo Ang Lahat’, ‘Darating din’, ‘Say Whatever’ para sa basher ko, inuunahan ko na sila kaya makinig na lang sila sa kantang ito, all kinds of life and after nila pakinggan itong kantang ito, masaya sila, parang bright world.” Kuwento din ni Kim, kasama sa kanyang album ang version 2.0 ng hit song niya dati na “Crazy Love”.
 
Alam ni Kim na mayroon pa ring ilan na magiging iba ang pagtanggap sa pagbabalik niya sa recording scene at hindi itinatanggi ni Kim na sa loob ng walong taon ay marami namang nagbago kaya naman inunahan na niya ang kanyang mga magiging bashers. “Yeah, and siyempre iba na rin ang boses ko. Siyempre after eight years siguro nagbago na siya kaya bagong offering. It’s new kasi siyempre I keep on doing TV, movie, drama, acting so parang ngayon something new to look forward [to].”

At kung ang kasunod nito ay concert na ba, “Huwag muna, isa-isa lang. Masaya muna ako sa album, inu-nurture ko muna yung mga panahon na binigyan ulit ako ng music album.”
 
Siyempre, natanong din kung may parte ba ang kanyang ka-love team na si Xian Lim sa kanyang album, ngunit ang tanging nasabi ni Kim, “Abangan na lang nila, siyempre isa-isa muna.”  - Krissa Donida | push.abscbn.com

No comments:

Post a Comment