Monday, February 9, 2015

'Lakas, patnubay at grasya', birthday wish ni PNoy

By  | Bombo Radyo
Hangad ng Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang kaarawan ang lakas, patnubay at grasya para magampanan ang kanyang tungkuling bilang pinuno ng bansa.

Ngayong araw ay ang ika 55 kaarawan ng Pangulong Aquino.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, “Siyempre ang nais ng Pangulo sa kanyang pananalangin ay magkaroon siya ng ibayong lakas at patnubay at grasya na magampanan ang kanyang mga tungkulin dahil po sa mahalagang ginagawa niyang paglilingkod sa ating mga mamamayan.”

Kasabay nito ay hiniling ng kalihim sa taong bayan na ipagdasal si Aquino upang maihatid nito ang ipinangakong pag-angat ng kabuhayan ng mga kababayan.

Nagsagawa naman ng kilos protesta ang ilang militanteng grupo kasabay ng kaarawan ni Aquino.

Sumugod pa ang grupo sa Mendiola malapit sa Malacañang at may dalang cake para sa Pangulo.

Pero imbes na happy birthday ang bati ay "resign now" ang nakasulat.

Maliban dito may mga streamers pa ang grupo na nananawagan ng hustisya para sa 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao.

No comments:

Post a Comment