Wednesday, February 25, 2015

Ayaw kong padala sa emosyon vs MILF - P-Noy

  Image result for images for PNoy
 
By  Reymund Tinaza  | BomboRadyo
 
Nanindigan ngayon ang Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang desisyong huwag magpadalus-padalos nang pag-atake o pagkondena sa Mamasapano encounter na ikinamatay ng 44 PNP-SAF troopers.

Ginawa ng Pangulong Aquino ang pahayag sa harap ng mga kabataan kasabay ng TAYO awarding ceremony sa Malacañang.

Ani kung pinairal nito ang emosyon, maaaring napasama pa sana ang sitwasyon.

Ayon sa pangulo, kailangan nitong maging mahinahon sa gitna ng mga panawagan para gumanti.

Kasabay nito, inisa-isa ng Pangulong Aquino ang mga problemang kinaharap sa nakaraan gaya sa malakas na lindol sa Bohol, pagsugpo sa pagkalat ng MERS-CoV at gulo sa ibang bansa na maraming OFWs

No comments:

Post a Comment