Saturday, February 21, 2015

Matteo, Sarah at Mommy Divine, ‘di totoong nagkasagutan

Sarah Geronimo
Posted by Jimi C. Escala | Balita
 
MARIING itinanggi ni Matteo Guidicelli ang kumakalat na isyung magdadalawang linggo na silang hiwalay ni Sarah Geronimo.

Ayon sa naunang tsika, nagkaroon daw ng matinding sagutan sina Matteo at Sarah kaya nagdesisyon ang dalawa na tapusin na ang relasyon nila.


Agad itinanggi ni Matteo ang isyu. Malaking tsismis lang daw ito dahil hindi naman sila naghihiwalay ni Sarah. Katunayan, katatapos nga lang daw nilang dalawa nang mainterbyu namin siya.

Pinasinungalingan din ni Mateo ang halos kasabay na tsikang nagkasagutan din sila ng ina ng pop princess na si Mommy Divine. Hindi na raw kasi natitiis ni Mateo ang wala sa lugar na pagpaparinig nito sa kanya,

Sa sobrang higpit daw kasi ng ina ni Sarah, halos minu-minuto ay tsinitsek nito ang kinaroroonan ni Sarah at kung magkasama raw sila ng boyfriend.

“Naku, hindi po totoo ‘yan. Of course not,” sey ng aktor

Dagdag pa ni Matteo, nagugulat at nasa-shock na lang siya sa pawang gawa-gawang mga intriga at tsismis.

Pinag-isipan agad maging ang pagiging emosyonal ni Sarah sa elimination night ng The Voice of the Philippines last week. Kesyo may matinding problema raw kasi si Sarah sa lovelife, huh!

“Wala po ‘yun. Marahil sobrang stressed lang talaga siya. Alam mo namang siniseryoso niya nang husto at pinupuso niya ang programa nilang ‘yun. Kitang-kita naman natin ang sobrang pagmamahal niya sa show na ‘yun.

“We all have our personal ups and downs. So, we just pray for the best kumbaga,” sey pa ni Matteo.
Banggit pa ni Matteo, dahil pareho silang busy ni Sarah sa kani-kanilang trabaho ay hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na mag-date noong Valentine’s Day. Kasabay na rin ng pangakong babawi siya kay Sarah.

Super excited si Matteo dahil malapit nang mapanood ang bago niyang serye sa Dos, ang Inday Bote with Alex Gonzaga and Kean Cipriano.

No comments:

Post a Comment