Wednesday, February 25, 2015

Oscar viewers bumagsak sa 6-year low, host at mga pelikulang nominado sinisi

 Image result for images for Oscar Awards 2015
 
By  Leizl Galan | BomboRadyo
 
Bumagsak ang viewers ng Oscar awards sa six-year low, sa isinagawang Oscar Awards kahapon.

Batay sa data ng Nielsen, nasa 36.6 million lamang ang viewers ng awards night kahapon.

Mas mababa ito ng 14 percent sa naitalang 43.7 million viewers noong nakaraang taon.

Ang audience share sa huling Academy Awards ay pinakamababa na naitala sa loob ng anim na taon habang ang 2014 Oscars ay siyang pinakamataas sa loob ng 10 taon.

Sinisi ang host na si Niel Patrick Harris na hindi umano umubra ang punchlines.

Napakahaba rin umano ng show na tumagal ng tatlong oras at 40 minuto.

Hindi rin bumenta sa lahat ang paghuhubad ni Harris kung saan sa isang segment ay naka-briefs lang ito.

Si Harris ay nakakuha ng apat na Emmy awards para sa hosting skills nito.

Isa pa sa tinitingnang dahilan ng mababang audience ay ang kawalan umano ng appeal sa masa ng mga pelikulang nominado maliban sa "American Sniper".

Halos indie film kasi ang mga nominadong pelikula at maging ang nakakuha ng top prizes ay independent films na hindi nag-hit sa takilya. (AFP)

No comments:

Post a Comment