Friday, February 27, 2015

Marijuana legal na sa Washington D.C

  Image result for images for marijuana
     By   Jovino Galang | BomboRadyo & Google
 
Inaprubahan ng Washington DC ang legal paggamit ng maliit na piraso ng marijuana.

Ang nasabing pagsasaligal ay nagdulot pa ng matinding debate sa pagitan ng alkalde ng lungsod at mga kongreso hanggang nagkasundo sila sa bandang huli.

Napapaloob sa batas na pinapayagan ang mga residente na may edad na 21 pataas at hanggang 56 na gramo lamang ng marijuana ganun din ang pagpayag na magtanim sa kanilang tahanan basta wag lamang itong marami.

Pinagbabawal din sa batas ang pagbebenta at pamimili ng nasabing droga ganun din ang pagsindi sa pampublikong lugar.

Kasama na ng Washington DC ang ibang estado na legal na ang Marijuana gaya ng Alaska at Colorado.

No comments:

Post a Comment