Sinabi ni Kris Aquino na tumawag sa kaniya at nag-sorry si dating
Pangulo at ngayo'y Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada dahil sa
negatibong mensahe na ipinost ng kaniyang anak sa social media laban sa
television host-actress.
Sa mensaheng ipinost ni Kris sa kaniyang
Instagram account nitong Sabado, ikinuwento ng bunsong kapatid ni
Pangulong Noynoy Aquino ang naging pag-uusap umano nila ni Estrada sa
telepono.
"I had just finished praying when I got a text from
@paulcabral asking if I was still awake. This was followed by a text
from mayor @lenalonte asking if it was okay to give my # to president
mayor Erap who was in Biñan earlier tonight," saad sa post ni Kris.
Patuloy
pa niya, "He called me at 11:08 PM. Pag hello ko pa lang, nag sorry sya
agad, 'sorry Kris sa pinagsasabi ng anak ko, ngayon ko lang nalaman,
nahihiya ako sa yo, sa pamilya nyo' dinagdag nya na naging mabuti at ma
respeto kaming mga magkakapatid sa kanya. 5X nyang inulit yung salitang
SORRY, sorry talaga."
Ang tinutukoy ni Estrada na anak
niya ay si Jerika Ejercito na nag-post kamakailan sa Facebook na
umaatake kay Kris. Bunga ito ng pagdepensa ni Kris sa kapatid niyang si
Pangulong Aquino mula sa mga kritisismo dahil sa nangyaring Mamasapano
encounter, kung saan 44 na miyembro ng Special Action Force ng
Philippine National Police ang nasawi.
BASAHIN: Erap's daughter on Kris: 'Brutally honest...but obviously cannot handle the truth herself'
Saad
ni Jerika sa kaniyang post, "Don't dish it out if you can't handle it.
Sheesh...every night she bullies her guests on a&a and every morning
does it all over again on her show cleverly named kristv her poor
guests publicly humiliated...she feels entitled to be BRUTALLY HONEST
day in, day out...but obviously cannot handle the truth herself."
Sa
kaniyang post nitong Sabado na may larawan ng namayapan niyang ina na
si dating Pangulong Cory Aquino at Estrada, sinabi ni Kris na malaking
bagay para sa kaniya ang ginawang pagtawag ng dating pangulo pero kung
tutuusin ay wala naman daw itong dapat na ihingi ng paumanhin sa kaniya.
Sabi
ni Kris: "president mayor, wala ho kayo dapat ihingi ng tawad sa kin.
Okay na okay po tayo... Napakalaking bagay po ng effort nyong tawagan
ako. Hindi po kinailangan pero MARAMING SALAMAT PO."
Ipinaliwanag din ni Kris ang naging samahan nina Estrada at ng kaniyang ina.
"Naging
totoong magkaibigan sila ng Mom ko & I know part of the reason he
called me tonight was because of that bond they shared. In the year
& a half our Mom battled cancer, president mayor Erap thoughtfully
sent food & fruits consistently. I've never forgotten his kindness,"
ayon sa tv host-actress.
Bago
pumanaw noong 2009 dahil sa sakit na cancer, humingi ng paumanhin si
Gng. Aquino kay Estrada dahil sa pagsama niya sa mga panawagan na
magbitiw noon sa puwesto ang huli na inakusahan ng katiwalian.
Hindi
natapos ni Estrada ang kaniyang anim na taong termino matapos siyang
mapatalsik sa Palasyo noong 2001 sa pamamagitan ng people power
revolution, na naging daan naman para maging pangulo ang noo'y si Vice
President Gloria Macapagal-Arroyo. -- FRJ, GMA News
No comments:
Post a Comment