Wednesday, February 4, 2015

Heart Evangelista still hopes her parents will come to her wedding



by: Jeff Fernando | Push.com



Ten days bago ang kanyang kasal, nakausap natin si Heart Evangelista at nagbigay siya ng update sa mahalagang bahagi ng buhay niya na malapit ng maganap.

“I’m so excited ang dami nagaganap ngayon sa buhay ko lalo na noong nag fit na ako ng gown ko talagang naramdaman ko nang ikakasal ako. Nakaka overwhelm. Hindi na ako naniniwala sa ganyan marami na ako pinagdaanan, I just know that this is the moment for me.”

Hindi makakalimutan ni Heart ang kanyang wedding gown fitting na ikinuwento niya ng detalyado.

“It was beyond what I imagined it to be I was there with my friend Kat Cruz and her husband and napaluhod na lang kami parang ayaw ko na isuot yung dress pero talagang iba pala talaga ang feeling because it’s the first time I ever felt that way. May train siya, conservative, just the way I want it to be. It's timeless one thing I wanted to make sure is when you look at the photos ten years from now hindi siya yung parang dated. So ayun ganun ang ginawa namin, dream wedding ko talaga siya.”

Sa ibang aspeto naman ng wedding, sinabi ni Heart ang dalawang events na magaganap dahil sa dami ng kanilang mga kaibigan na gusto sila makasama sa kanilang wedding day.

“Plantsado na lahat naayos na naming ang lahat. Si Chiz mayroon pa siyang final touches here and there, ako nandoon na ako sa part na nagsusulat na ako ng thank you cards but everything else is ready. Malaking difference din yung sa 15 kasi doon halos mga kamag anak and really close friends, sa 18 more of the kamag anaks and more of the close friends, more of the co-workers everything na.”

Umaasa pa rin si Heart na makakarating ang kanyang mga magulang sa araw ng kanyang kasal.

“May kaunting hope na baka pumunta pa rin sila pero I’ve accepted that more than anything as their daughter, ako lang naman ang makaka intindi sa kanila so it’s also big for me to walk ng mag isa kasi parang iyun na rin ang naging journey ko na being brave pinaninindigan ko ito and this is my last lifetime choice and as a woman this is what I will face.”

Sa ngayon, ang mga kapatid ni Heart ang maghahatid sa kanya sa altar. Sasalubungin siya ng mga ito sa kalahatian ng kanyang wedding march.

“Actually they want to walk me down the aisle yung mga kapatid ko pero sinabi ko daddy ko lang talaga ang gusto ko maglakad sa akin so wala magre replace sa kanya so maglalakad ako tapos sa bandang gitna nandoon ang mga kapatid ko sasalubungin nila ako tapos sila ang magbibigay sa akin kay Chiz.”

Prayers na lang daw ang magagawa ngayon ni Heart para maayos ang lahat at hoping siya na mas mabilis ang maging pag aayos.

“My relationship with my parents is not about what the public wants it to be, hindi naman yung kung ano ang kailangan nila makita, kung ano ang kailangan naming ipalabas. The wedding is not a deadline, we have a lifetime to fix it, sana sooner, yun ang importante. Yung pagkakamali that was out pero what's important is yung mga napag usapan namin behind closed doors. The power of prayers, yan na lang talaga ang magagawa ko ngayon.”

Sa kanya naman career, may mga pagbabago na magaganap pero for the better naman daw ito.

“The only thing that it’s going to do to me is to make me a better person you know, si Chiz nang dumating siya sa buhay ko ang laki ng ipinagbago ng buhay ko, mga magagandang pagbabago. May mga pagbabago sa career ko, hindi dahil nanggaling sa kanya, nanggaling na rin sa akin. Hindi rin siguro tama na marami ako hinahalikan kung sino-sino tapos senador ang asawa ko, so I will really have to choose kung ano ang roles ko and hindi rin natin alam kung hanggang kailan ako sa showbiz and gusto ko rin naman ma enjoy ang bawat project na ginagawa ko.”
Categories: Gamiaw Entertainment

No comments:

Post a Comment