Thursday, November 24, 2016

PINOY ENTERTAINMENT | Shaina nagpabuntis kahit single - PM

Filipina actress Shaina Magdayao
By Lanie B. Mate - PM


Single pa rin siya ang claim ni Shaina Magdayao kahit nali-link uli siya kay Piolo Pascual dahil sa dirty dancing nila ng hunk actor sa isang showbiz event kamakailan.

Sa mga nakaraang interview, aminado si Shaina na by this time ay natuto na siyang huwag magmadali pagdating sa kanyang lovelife.

Oo nga naman at masarap ang pakiramdam na magkaroon ng dyowa, pero tapos na para kay Shaina ang magmarunong na akala niya ay alam na niya ang lahat ng bagay pagdating sa buhay pag-ibig. Nasubukan na ni Shaina magkanobyo ng ilang beses, kaya ngayon ay cool muna ang mahusay na aktres at patient sa paghihintay kay Mr. Right.

Gusto raw ni Shaina na ang susunod niyang boyfriend ang magiging huling lalaki sa kanyang buhay. Sana raw ay maging forever na sila ng kanyang next boyfriend.

Close Ad X

Samantala, ngayon pa lang ay excited na si Shaina sa 3rd season ng Single/Single, ang series nila ni Matteo Guidicelli sa Cinema One.

Magiging maganda raw ang pagpasok ng taong 2017 para sa aktres na kung hindi magbabago ang schedule ay sa January na agad ang airing ng series nila Matteo.

Maski si Shaina ay nabigla sa kanyang role bilang Joee dahil nabuntis siya ni Joey (Matteo) sa last episode ng kanilang TV series. Kaya sa muling pagbubukas ng bagong episode ng Single/Single next year ay mas maraming twist ang dapat abangan ng kanilang loyal fans sa love team nina Joey at Joee plus sa kanilang Junior Joeey

No comments:

Post a Comment