Smartmatic may pananagutan nga ba?
Ni: Ram Lopez
|
Sa paliwanag ni Commissioner Rowena Guanzon, kinakailangan daw na managot ng Kompanyang Smartmatic, sapagkat hindi nga raw otorisadong magpalit o mag-implement ng anomang pagbabago sa Sistema ang mga tauhan nito, lalo't higit ay nagsimula nang magpadala ng mga bilang ng boto ang mga presinto noong gawin ang nasabing pagpapalit ng code. Aniya, walang karapatang magsagawa ng anomang pagbabago ang Smartmatic, sapagkat ang halalalang ito ay pinangangasiwaan ng COMELEC at pananagutan nila sa taumbayan.
Nakakalungkot isipin mga kabayan, na sa kabila ng mga papuring nakuha natin sa mga dayuhang nagsisilbing observers sa ginaganap na bilangan matapos ang araw ng halalan, ay heto't mababalitaan natin na tila baga may under-the-table transactions na nangyayari.
Oo nga't naandon din at nagpaliwanag ang Project Head ng Kompanayang Smartmatic na si Marlon Garcia hinggil sa kinailangang pagpapalit ng nasabing kowd (hash code) ay hindi mo parin maiaalis sa nakararami ang magduda. Kahit na nga ginarantiya naman nito na hindi nga raw talaga apektado ang bilang ng mga boto para sa mga ibinotong kandidato kahit na raw muling ibalik ang pinalitang code.
Napaka-init po ng diskusyong ito at muli ay napagbibintangan ang kasalukuyang Administrasyon partikular na ang kampo ng Presidentiable na si Mar Roxas sapagkat kung inyong matatandaan, Noon mismong araw ng halalan sumugod ang mga kawani ng media, ng PPCRV at maging si Comelec Chairman Bautista sa isang Hotel sa Cubao, Quezon City para beripikahin ang report na meron daw umanong Vote Counting Machines (VCM's) sa loob ng isa sa mga okupadong kwarto doon. Nang makausap ni Chairman Bautista ang Manager ng Hotel na siya rin palang pag-aari ng Pamilyang Roxas, itinanggi ng mga itong may mga makina nga ng VCM doon. Ngunit kinumpirma ng mga ito na ang pinaghihinalaang kwarto kung saan umano nakita ng isa sa mga mismong empleyado ng Hotel na siyang nagreport sa tanggapan ng PPCRV, ay ang mga kwarto pala mismo ng mga tauhan ng Kompanyang Smartmatic.
Kasunod ng isyung ito ang umanoy dagdag-bawas o dayaan sa bilang ng mga botong dapat raw umano ay para kay Senador Bong-Bong Marcos. Matatandaang mula alas-7 ng gabi hanggang pasado alas-10 ng gabi noong Mayo a-9, lamang na lamang ang boto ng Senador mula sa mahigpit na katunggali nito na si Kongresista Leni Robredo ng ikatlong distrito ng Camarines Sur. Ngunit mula 10:45 ng gabi hanggang madaling araw ng Mayo a-10, nagsiimulang umarangkada ang boto para sa Kongresista at kapansin-pansing nabawasan ng ilang libo ang boto para sa tumatakbo ring si Senador Escudero - siya naming isyung ipinaglalaban ng kampo ng naungusang si Sen. Marcos, ang lahat ng ito ay nangyari umano mula ng magpalit ng code ang nasabing kompanya ng Smartmatic.
Itatanong siguro ng ilan, bakit hindi nalang sa pwesto ng pagka-Pangulo gawin ang pandaraya, kung totoo ang bintang ng ilan hinggil sa usyu ng dagdag-bawas? Sagot, sobra pong napakalaki nang lamang ng panalong boto ng Alkalde ng Davao City na si Rodrigo Duterte, kulang na nga lamang ay ipagsigawan ng mga ito ang landslide victory na kanilang natamo laban sa katunggali nitong si Mar Roxas, kung dito nila gagawin iyon ay pihadong mas mahihirapan silang kumbinsihin ang taumbayan.
Kung totoo man ang mga aligasyong ito, sa kabila ng mga nagu-ugnay na mga pangyayari aba eh, napakatalino nga naman ng may gawa nito. Una, hahayaan lang nila na maupo sa pwesto si Davao City Mayor Rodrigo Duterte at pagkatapos ay isusulong ng mga ito ang kanilang planong impeachment laban dito, nang sa gayon ay uupong bagong Presidente ang ngayon ay nangunguna paring si Congresswoman Leni Robredo. Kanila itong didiktahan para maproteksyunan ang interes ng partido, partikular na ng kasalukuyang Pangulo.
Ngayon, ang tanong ay ibabalik ko, kung totoo man ang ating paga-analisa sa mga pangyayari, Smartmatic, may pananagutan nga ba? Hindi kaya sila'y biktima rin lang ng kung sinong herodes na nasa likod ng kaguluhang ito? Biktima man o hindi, Ang malinaw na sagot po ay oo. Sinoman ang gagawa ng aksyon para baguhin ang normal na proseso ng halalan, lumabag sa batas higit lalo para maproteksyunan ang interes ng iilan ay kinakailangang managot kung ang mga ito ay mapapatunayang guilty sa mga isyung ibinibintang dito, sila ay kinakailangang maparusahan alinsunod sa mga Batas ng Halalan.
This article is in Filipino, click here to translate this post
No comments:
Post a Comment