Monday, May 16, 2016

Editorial: Dating Pangulong Gloria Arroyo kinakawawa ng Administrasyong Aquino


ni Ram lopez

Napakasakplap pala ng nangyayari sa dating maimpluwensya at dati ng kinilala bilang isa sa mga makapangyarihang babae sa mundo, na siyang inilathala ng Times Magazine noon - ang dating Pangulo at ngayon ay  Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa ating mga sources, masyado raw umanong hinigpitan ng Aquino administration ang dating Pangulo. Wala umanong TV set, cellphone at iba pang mga kinakailangang mga kagamitan sa loob ng silid nito na siya naman sanang maaaring magamit nito para sa mas epektibong mga programa para sa distrito nito.

Sa katunayan daw, kapag ka oras na ng walking ng dating Pangulo at napapaadaan ito sa may nurse station ng Ospital kung saan ito naka-hospital arrest  ay doon raw ito naglalagi para makapanood ng telebisyon. Mukha nga raw sabik na sabik ang dating makapangyarihang babae nang Bansa, na siya'y makapanood ng telebisyon. Ayon pa sa ulat, kahit paggamit ng telepono ay hindi rin nakaligtas sa paghihigpit ng administrasyon. Naaawa lamang daw ang bantay nitong si Miss Lady Guard  kaya minsanang palihim na pinapahiram nito ang butihin naman daw na Ginang Arroyo, para lamang mapanood nito ng palihim ang nais nitong panooring palabas sa kanyang telepono kasama na ang pagtawag sa mga kapamilya nitong nami-miss umano ng Ginang Arroyo.

Nakakalungkot mga kabayan, na itong taong ito, na siya din naming nakapagsalba sa bansa noong panahon ng recession - panahon kung saan kahit ekonomiya ng Estados Unidos, isa sa pinaka-matatag na bansa sa mundo ay nanganib na tuluyang bumagsak. Ngunit ito ay kanyang nasabayan at tayo pa nga ay unti-unting umangat, na siya namang minana ng kasalukuyang Adminsitrasyon. Nakakalungkot na nang dahil sa pulitika ay heto tayo't pinahihirapan ang mga taong hindi naman natin mapiga sa kasalanan o mga kasalanang ibinabato sa kanya na may ilang taon na pong naka-kulong at siyang hindi naman mahatulan kung guilty nga ba sa mga aligasyon sa kanya.

At ang mas nakakalungkot, ay heto tayo at kampateng tinitinganan lamang yaong mga taong  mas guilty pa ngang tingnan pero dahil kaalyado at kaibigan ng Pangulo ay hindi natin mapanagot dahilan sa sila ay nasa pwesto.

Tingnan na lamang natin ang kalabagayan ni Janet Lim-Napoles, siya na sinasabing bilyong piso ang tinangay sa gobyerno ay nasa mas maayos pang kalagayan. Oo nga't nakabilanggo naman ngunit  siya naman itong may kompletong mga kagamitan, habang siya ay wala namang magagandang nagawa sa bayan na tulad ng sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ngayong tiyak na tiyak na ang pag-upo ng Alkalde ng Davao City na si Mayor Rodrigo Duterte, na siya namang nangako nang pagpapalaya sa Dating PGMA, mukha nga yatang malaya ng makaka-panood na ng kanyang mga paboritong palabas ang dating Pangulong Arroyo, matapos na pormal nang mai-proklama at maupo ang bagong Pangulo.

Tanong tuloy ng karamihan, Susunod din kaya sa loob ng Ospital ang kasalukuyang Pangulo, oras na bumaba na ito sa pwesto? Kaabang-abang nga po ang mga kaganapan sa teleserye ng totoong pulitika sa  Bansang Pilipinas! Huwag po kayong bibitaw at ating saksihan ang maaaksyong pangako ng Administrasyong Duterte at sa kapalaran na rin ng pababa nang Pangulong Aquino.














No comments:

Post a Comment