MANILA - Hiniling ng simbahang katoliko ang “divine intervention” para sa malinis at maayos na halalan.
Sa pastoral letter ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), hiniling ni CBCP President Socrates Villegas sa mga botante na pag-isipang mabuti sino ang kanilang mga iboboto
Bago rito, ilang kongregasyon na rin ang una nang nagsimula sa pagdarasal at pagninilay para hilingin ang malinis na halalan at matalinong pagpili ng mga botante.
Samatala… lumagda sa “truth covenant” ang ilang kandidato sa pagkapangulo at pagka-senador.
Tanging sina Vice President Jejomar Binay at dating DILG Secretary Mar Roxas sa mga Presidential candidates ang lumagda sa truthful, responsible, upright, transparent and honest o truth covenant na ginanap sa Manila Cathedral.
Maliban kina Binay at Roxas, lumagda rin sa truth covenant ang ilang tumatakbong Senador tulad nina dating Heneral Getulio Napeñas, dating DOJ Secretary Leila De Lima, Senador Tito Sotto, dating DILG Secretary Rafael Alunan, dating MMDA Chairman Francis Tolentino, Vice Mayor Isko Moreno, Toots Ople at Cong. Roman Romulo.
Ang paglagda sa “truth covenant” ay sinaksihan nina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Bishop Leopoldo Matulak at Comelec Chairman Andres Bautista. - Source: DZXL Radio
No comments:
Post a Comment