Enrique Gil at Liza Soberano
Ni Lannie B. Mate via PangMasa
|
MANILA - Mukhang maganda ang plano ni Direk Cathy Garcia-Molina para kina Enrique Gil at Liza Soberano. Ayaw madaliin ng director ang maturity ng magka-love team at gawing tulad nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pelikulang Barcelona, A Love Untold ng Star Cinema.
Gusto munang isabak ng director ang dalawa sa pagpapatawa na naunang ni request ni Liza. Pero inamin ni Direk Cathy sa isang interview na wala raw sa timing ang pagpapatawa ni Liza kaya mahihirapan siyang idirek ang aktres.
Mas madali kay Direk Molina ang magpaiyak, kaysa ang magpatawa sa mga manonood. Aminado naman si Liza na corny siyang magpatawa kahit sa tunay na buhay. Kaya kahit gustong aralin lahat ni Liza ang acting, susunod siya sa suggestion ni Direk Cathy na kabisado na ang timpla ng mga manood tulad ng nag-hit na serye nilang Forevermore.
Samantala, pati pala ang pamilya ni Liza ay malapit nang maniwala sa sinasabing magdyowa na sila ni Enrique dahil sa sobrang close na ng dalawa. Ikinuwento ni Liza sa isang interview na malapit na sana siyang pagalitan ng kanyang daddy dahil nga sa sobrang close at komportable na sila ni Enrique sa isa’t isa. Pero ayon kay Liza ay hindi naman ito mapipigilan dahil marami na silang pinagdaanan at pinagsamahang projects.
Willing naman maghintay si Enrique kung kailan papayagan ng pamilya ni Liza na mag-boyfriend. Sapat na kay Enrique na magkasama sila sa trabaho kahit walang label ang kanilang relasyon.
No comments:
Post a Comment