Monday, January 8, 2018

RELIGION | Mga debotong may karamdaman, pinagdadala ng ID sa Traslacionn ng Poong Nazareno


Online Photo of Devotees and faithfuls of the Black Nazarene 
MANILA, Philippines - Nag-abiso ang Department of Health (DOH) sa mga debotong may karamdaman na doblehin ang pag-iingat sa pakikiisa sa Traslacion sa Martes.
Payo ni Health Asistant Secretary Lyndon Lee-Suy, magdala ng identification card o papel na naglalaman ng emergency contact numbers, allergies, at medical history.

Makatutulong umno ang ID card sa mga health personnel para makapagbigay ng angkop na serbisyong medikal.

"For safety purposes atsaka sa guidance sa mga health workers na mag-re-respond sa mga puwedeng makahinatnan," ani Lee-Suy.

Dagdag pa ng ahensiya, huwag na rin ipilit ng mga buntis, sanggol, maliliit na bata, at matatanda na makisabay sa prusisyon.

"Ayaw naman natin kuwestiyunin ang mga pamamanata nila pero kung hindi ka naman talaga nasa maayos na kondisyon, baka maapektuhan pa 'yong nararamdaman mo," ani Lee-Suy.
Pinayuhan din ng DOH ang mga may maintenance medicine na dalhin ang kanilang mga gamot, lalo na ang may mga chronic asthma at hypertension.

Magdala rin umano ng iuming tubig para maiwasan ang dehydration, magsuot ng kumportableng damit, pangprotekta sa paa, at panlaban sa init o ulan.

Inilagay sa code white alert status ang mga ospital sa Maynila, na nangangahulugang handa ang lahat ng tauhan, mula nurse hanggang doktor, sa pagtugon sa anumang hindi inaasahang kagipitan.
Mayroon ding higit 20 medical stations na itatayo sa iba't ibang lugar para sa mga posibleng insidenteng mangyari sa Traslacion.



Huling paghahanda
Samantala, nagpahayag ng kahandaan ang pamunuan ng Quiapo Church at mga katuwang na ahensiya para sa pagbalik ng Poong Nazareno mula Quirino Grandstand.
Nakatalaga nasa kanilang mga posisyon ang mga tauhan ng Phippine National Police, Armed Forces of the Philippnes, at Red Cross upang umagapay sa pangangailangan ng mga deboto.
Nag-impake na rin ang mga tindero sa paligid ng simbahan para magbigay daan sa inaasahang dagat ng tao.

Nanawagan naman si Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, sa mga namamanata na sana'y maging responsable para sa matiwasay at ligtas na Traslacion.

"Sa dami ng deboto, hirap kaming pakiusapan na huwag nang sumampa o salubungin 'yong karosa," ani Badong.

"Kailangan talaa nilang maturuan din at madisiplina, kailangan magtulong-tulong ang mga hijos para maproteksiyonan ang palibot ng andas," dagdag ni Badong.

Maluwag na ang mga lugar na magsisilbing prayer stations, kabilang ang labas ng San Sebastian Church kung saan dudungaw ang imahen ng Our Lady of Mount Carmel.

Anim na kilometro ang babagtasin ng mga deboto at andas ng Nazareno kaya 23 kalsada ang apektado.

Naglabas na ri ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang Facebook hinggil sa mga kalsadang isasara para bigyang daan ang prusisyon.


Simula alas-12 ng hatinggabi sa Martes, isasara ang ilang kalsada sa Maynila kasama ang Jones at Quezon Bridge, Katigbak hanggang Kalaw, at ang magkabilang bahagi ng Quezon Boulevard.
Paiiralin ang gun ban sa buong lungsod at liquor ban sa mga lugar na malapit sa Quirino Grandstand, Quiapo Church at ruta ng prusisyon.
Gun at liquor ban, ipatutupad sa Maynila sa pista ng Nazareno
Hindi na rin hinihikayat ang pagdala ng cellphone dahil mawawalan ng signal ang ilang telecommunication companies.
Una nang nag-abiso ang Globe na mawawala ang kanilang mobile services simula alas-5 ng madaling araw sa mga lugar na tatahakin ng andas hanggang sa makabalik ito sa Quiapo.-- Ulat nina Kori Quintos at Raphael Bosano, ABS-CBN News

No comments:

Post a Comment