Saturday, January 2, 2016

The Good news continues this New Year of Mercy



ANG CONVERSION STORY NG AKING KAPATID NA SI ETHEL MARMITO By Hendrick Marmito Albina



Hendrick with his maternal sister Ethel, a member of the Iglesia ni Cristo [INC] who recently returned to the Catholic Faith. They are visiting the Epiphany of the Lord Parish.

Hendrick Marmito Albina added 3 new photos to the album: Welcome home !

December 30, 2015 at 8:21pm ·

My sister’s journey to the Catholic Faith….. iwanan na niya ang Iglesia ni Manalo….. back to the True Church na siya hehe Amen!

ANG CONVERSION STORY NI ETHEL MARMITO:

December 26, 2015 isang napakagandang araw para sa pagbisita ko sa aking kapatid na si Ehel. Mahiyain siyang bata hanggang ngayon. 16 years old na pala ang kapatid kong si Ethel Faye Marmito. Matagal ko na siyang di nakikita mula noong naghiwalay kami sa isa’t-isa..nakatira siya noon sa amin sa Probinsya ng Samar tapos lumipat naman siya noong 11 years old siya sa Karuhatan, Valenzuela City….. Siya ay ipinanganak ng mga Katolikong Magulang; sa Katoliko na rin siya nabautismuhan nung una pa lang. Pero mula noong siya ay napadpad sa Valenzuela ay di na siya nakaiwas sa pag-akay sa kanya ng Tito Vic namin na isang Iglesia. SCAN daw siya dun; di ko alam kung ano meaning nun pero yun ang sabi sa akin ng kapatid kong si Ethel… Mabait naman ang tito namin yun ngalang eh hindi maiwasang mapunta ang sentro ng atensyon sa pag-anib sa Iglesia at ang tawag pa nga sa atng mga katoliko ay mga taga-sanlibutan…..

Nang madating ko ang Panggasinan sa Lingayen upang magbakasyon at salubungin ang bagong taon kung saan si Ethel ay kasalukuyang nakatira sa aming Ina ay dun ko nalaman ang pagiging Iglesia niya. Kaya pala siya hindi ko nakakasama sa Pagsimba sa simbhan doon kasi sa ibang simbahan este sambahan pala ang punta niya….Aktibo siya sa pagsamba… Sa murang edad hindi pa malinaw sa isip niya kung ano ang pinasok niya dala na rin ng udyok sa kanya ng tito namin na isang masugid at matiyaga na INC. Kasama niya sa Lingayen ang isa kong pinsan na INC isang Pol-Sci student. Ang tanong ko sa Pinsan ko kung paano niya naisip mag-Iglesia eh katoliko naman ang mga Magulang niya doon, basta ang sabi niya nalang “””andun kasi ang Girlfriend ko pero katoliko talaga ako ginawa ko lang yun kasi kailangan eh…”” Kaya tinanong ko na rin si Ethel- Bakit ka pumayag na mag-INC? Ano ba ang meron dun na wala sa Katoliko? Ang sagot niya; “”eh kasi, ano, si tito Vic pinasok ako dun tapos pinadoktrinahan ako kaya nagustuhan ko na ring umanib””. Tinanong ko ulit siya, ano ba pinagkaiba ng INC sa katoliko? Ang sinagot niya; “”hindi ko alam eh, basta…”” nahahalata kong kailangan lang niya ng tamang impormasyon pagdating sa pananampalataya….. Hinayaan ko na muna siya kasi nga magpapahinga na ako at pagod pa sa biyahe……

Hendrick explaining the faith diligently to his sister.

Kinabukasan, Dec. 27, breakfast na naming lahat…. Habang kumakain tinanong ako ni Ethel; “”Kuya, bakit ba kayo may mga Rebulto? Sinasamba niyo ba yun?””….“”HA!? Sino nagsabi niyan? Ministro niyo nuh?”” Tugon ko.“Kasi sa amin bawal daw yun” sabi niya…. “Eh bakit may Rebulto si Felix sa Killer Highway sa Diliman? Sagot ko…“” Hindi naman namin sinasamba yun.”” sabi niya….. Eh ganun din naman sa katoliko hindi natin sinasamba ang mga Rebulto, tugon ko….. Kaya kami lumuluhod sa mga imahen na banal eh dahil ipinapakita lamang namin ang pagmamahal at pagrespeto namin sa mga kapatid natin kay Cristo…. We are a Family remember?, dagdag ko.“”ano ba ang mga Santo kuya? Tanong niya; “”ang mga Santo mga banal na tao na namuhay sa kabanalan alang-alang kay Cristo- sila ang mga GOOD INFLUENCE natin sa simbahan””; biglang sagot ng pinsan kong si Mikko… Napangiti sa akin si Ethel..

“”Turuan kita sa Biblia Thel””, sabi ko sa kanya. May Biblia ba kayo? “”UO kuya”” sagot niya saken…… Sabay abot ng Magandang Balita Biblia……

Ako: sino ba si Cristo sa Iglesia? Hindi ba siya Diyos?

Ethel: siya ang anak ng Diyos.

Ako: tama… Pero ano ba talaga siya ayun sa aral ninyo sa Iglesia? Hindi ba Tao LANG siya sa INC? Magkaiba kasi ang tao siya sa TAO LANG…..

Ethel: eh hindi naman namin sinasabi na tao lang siya… Basta siya ang anak ng Panginoon..

Ako: so, ano ngayon siya? Alien? Haha

Ethel: haha. Di ko alam eh kasi yun ang sabi sa amin kapag nagsasamba kami eh…

Ako: Tara magbasa tayo ng Biblia kung tama sila…..

“““““““““““““““““““

Nagulat ako nang sinabi niya sa akin; “”alam mo kuya nung nasa Catholic pa ako naniniwala ako kay Jesus pero nung nag-Iglesia ako parang nawala yun.. Kasi ang AMA lang kasi ang importante dun sa amin eh””

Ako: hala, kung tunay ka talagang naniniwala kay Cristo hindi dapat mawala ang paniniwala mo sa kanya. Dapat kilala mo talaga si Cristo.

Ethel: di ba ang Ama daw ang Dios tapos si Cristo ang anak niya… Ewan.!.hehe…

Ako: paano kung iba ang Ama nila? Hahaha

“Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito. 45Nguni’t dahil sa sinasabi ko ang katotohanan, ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan.” Juan 8:44-45.

Ethel: hala hindi naman…

Ako: eh bakit di nila sinasampalatayanan si Cristo bilang Dios na nahayag sa laman?

Ethel: ewan ko ….

Ako: kasi ang tawag dun sa mga hindi nananampalataya na si Cristo nahayag sa laman eh Anti-Cristo..

1 Juan 2: 18, 23 “Mga anak, ito na ang huling panahon! Tulad ng inyong narinig, darating ang anti-Cristo……. “ “Ang di kumikilala sa Anak ay di rin kumikilala sa Ama. Kapag kinilala ninuman ang Anak, kinikilala rin niya ang Ama.”

eh sino ba si Cristo kung talagang kinikilala siya sa INC? Sabi nila hindi Dios si Cristo eh;

1 JUAN 1:1-2 “”Sumusulat kami sa inyo tungkol sa kanya na sa simula pa’y siya na, ANG SALITANG nagbibigay-buhay. Siya ay aming narinig at nakita, napagmasdan at nahawakan. Nahayag ang buhay na ito, nakita namin siya, at pinapatotohanan namin at ipinapangaral sa inyo ang buhay na waLang hanggan na nasa Ama at nahayag sa amin.””

Eh sino naman sa tingin mo ang salita na iyan na nagbibigay buhay?

Ethel: ewan…

Ako:

Juan 1:1-5 Ang Salita ng Buhay:

     “Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2 Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos.  Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha sa kanya ay may buhay, a at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.”

Ethel: (seryoso ang mukha) bakit walang sinasabi sa aming ganyan?

Ako: bawal ba kayo magbasa sa Bible?

Ethel: hindi naman sa bawal kuya….

Ako: magbasa ka kasi [ara di ka nauuto….

Mikko: negosyo lang yan Thel… Napansin mo ba sa pagsamba natin, minsan hindi nakikinig ang iba na nandun nag-aantay na lang kung handugan natapos aalis na lang pagkatapos ng samba….ako tinutulugan ko eh haha…

Ethel: uo kasi napansin ko paulit-ulit nalang minsan ang sinasabi dun….

Ako: ano pa ba ang sinasabi dun?

Ethel: yun….. Dapat daw huwag lumaban sa pamamahala… Kaya madami daw ngayon ang tinitiwalag kasi nga lumalaban sa pamamahala…

Mikko: kasi nga sa kanila lang ang Langit ..

Ako: hahahaha… Mamaya or bukas magbabasa ulit tayo ng Biblia, tuturuan kita at patutunayan natin na Diyos si Hesus… Pag mali sila sa isang Doktrina nila maili-mali na lahat yun hahaha…

Ethel: sige kuya. Magtatanong din ako sa mga kapatid dun….

Praying the Rosary and Teaching Ethel the Biblical Foundation of the Holy Rosary

SAMANTALANG NASA KAPILYA SIYA

Ethel: alam mo ba sabi ng kuya ko Dios si Hesus? Dalawa daw ang kalikasan niya..

INC: Huwag kang matitisod… Parang natitisod ka na sa Pananampalataya mo…

“““““““““““““““““

December 28,

Ako: Morning! :))))

Ethel: kuya sabi ng kaanib sa amin natitisod daw ako sa pananampalataya kasi nag-iisip ako na totoo ang sinasabi mo..

Ako: sabi lang niya yun…. Hehe mamaya magbabasa ulit tayo para mas lumalim ang alam mo…..

HAPON NA…….

Ako: oh, ehto Biblia hawakan mo..

Ethel: paano pala magbasa niyan. Turuan moko kung paano maghanap ng verse kuya…

Ako: yung malalaking Numero yan ang Chapter, sundan mo lang yan depende kung saang aklat ka babasa at ang verses yung maliliit namang mga numero…. Gets?

Ethel: ah, ok…

Ako: Ilan ba ang kalikasan ni Cristo?

Ethel: diba tao lang siya?

Ako: eh papano kung mabasa nating dalawa?

Ethel: sige nga….

Ako:

Colosas 2:9 “Sapagkat LIKAS kay Cristo ang BUONG PAGKA-DIYOS kahit na siya’y NAGKATAWANG TAO.”

Oh kita mo na… Likas kay Cristo yun; ano daw? Ang buong pagkadiyos at pagkatao kasi ng magkatawang tao siya likas pa rin sa kanya ang pagiging Diyos…… Tanong Imposible ba sa Diyos yun??

Ethel: haha ang galing; hindi siyempre….

Ako: ganito nalang may mga katanungan ako tapos isulat mo ang mga sagot mo…. Bukas naman kasi may lakad pa ako….

““““““““““““““`

Ito ang mga sagot niya:

Sino si Felix Manalo?

Sagot: siya ang sugo ng Dios sa mga Huling araw…

Ano ang simbahang itinayo ni Cristo?

 Sagot: Iglesia ni Cristo

Sino nagtayo ng Inc? Kailan? Saan?

 Sagot: hindi ko po alam

May alam ka ba sa pananampalataya ng Simbahang katoliko noong hindi ka pa Iglesia?

 Sagot: konti lang

Ano ba talaga para sa iyo si Cristo? Hindi ba siya Dios?

 Sagot: Anak siya ng Ama…. Dios siya…

Ano kaming mga katoliko para sa Iglesia?

  Sagot: mga taga-sanlibutan.

May alam ka ba sa Biblia?

Sagot: wala masyado… Ang Ministro po kasi ang nangangaral sa amin….

Sa Pagsamba ninyo sino ba palagi ang mga binabatikos o sinisisi?

   Sagot: mga taga sanlibutan…..

Paano ka naging INC?

   Sagot: Noong una katoliko ako, tapos inakay ako ng tito Vic na sumama ako sa pamamahayag. Sinama ako sa pagsamba at nagustuhan ko dun kasi nga maganda tapos mababait sila sakin, at tinanong ako ng tito ko kung gusto ko mag-iglesia. At pinadoktrinahan ako. At nang sinusubok na nila ako mga ilang buwan pagkatapos ay nabautismuhan na nila ako…

Paano ka nabautismuhan?

   Sagot: Dinala kami sa isang silid doon ay mayroong parang swimming pool. Bago kami nilubog may sinabi sa akin… Ikaw Ethel Faye Marmito ay binabautismo sa Ngalan ng AMA, at ng ANAK, at ng ESPIRITU SANTO….. At sumagot ako ng AMEN. At doon nilubog na nila ako……

Bago ka binautismuhan may mga tinanong ba sila sayo?

  Sagot: opo, isa-isa kami… Katulad ng: “”Ang espiritu ba may laman at buto””… Ang sagot ko ay “”wala po””.

Paano kayo manalangin?

Sagot: parang naiiyak… Iba sila manalangin tumatawag sila sa Ama… Tapos sasagot kami ng opo, at amen…..

Gusto mo bang magkatoliko? (nakangiti lang)

Ethel becoming very curious with the Holy Rosary after knowing its beautiful meaning and significance as instrument of Prayer and Biblical Meditation.

Dec. 29, Dumako kami kung saan-saan. Di ko matiis na siya ay turuan kung ano ba talaga ang aral ng Inang Simbahan nung binasahan ko na siya ng mga verses about sa Divinity ni Jesus ay namangha siya at kitang-kita sa mga mata niya na nagugulat siya sa mga nababasa namin…..

Ethel: kuya natatakot ako… Kasi baka ano….

Ako: huh? Baka ano?

Ethel: baka matiwalag ako…

Ako: naniniwala ka na? Huwag kang matakot… Sila ang dapat na matakot sa katotohanan…

Ethel: kuya sinasamba niyo daw ang mga Santo? Bakit niyo sila dinadasalan?

Ako: Hindi natin sila sinasamba… Ilang beses ko na bang sinasabi yan…. Ang pagdarasal sa kanila ay pakikipag-usap sa kanila dahil tayo ay katawan ni Cristo mga magkakapatid; ang Dios ay DIYOS NG MGA buhay AT HINDI NG MGA PATAY… Kaya yung mga banal na nanatili kay Cristo hanggang kamatayan ay hindi namatay kundi nabubuhay magpasawalang hanggan… Dahil si Cristo ang Buhay… Ang sinasamba natin ay ang Panginoong Hesus lalo na kung mapapansin mo sa Misa may katawan at Dugo ni Cristo diba?…. Yun ang talagang sinasamba natin… Kasi si Cristo na mismo yun….. Sabi nga niya;

Juan 6: 53,55-56 “”Sinabi ni Jesus, Pakatandaan ninyo: malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay……Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.  Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako naman sa kanya.”””

Ethel: Iilan ba ang Dios?

Ako: Iisa ang Dios… Lagi mong tatandaan na ang Diyos ay Pag-ibig. Ang ama at ang Anak ay nagmamahalan at ang ito ay umaapaw sa Espiritu ng pag-Ibig…….

Ethel: Ano ba talaga si Hesus? Tao o Dios?

Ako: Pareho…. Dalawa ang kalikasan pero iisang Hesucristo lang…. Nabasa ko na sa Colosas yan pero imposible ba sa Diyos yun? Hindi siyempre…. Hindi natin arok ang isip at diwa ng Diyos…

Ethel: Paano nga siya naging tao kung Dios siya?

Ako: gaya nga ng sinasabi ko sa iyo walang imposible sa kanya kung loloobin niya…

Filipos 2:5-8 “Nawa’y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.

Kahit siya’y likas at tunay na Diyos,
hindi niya ipinagpilitang manatiling a kapantay ng Diyos.

Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos,
at naging katulad ng isang alipin.
Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao.
At nang si Cristo’y maging tao,

nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan,
maging ito man ay kamatayan sa krus.”

Ethel: kuya di ba ipinanganak siya ni Maria? So, ano pala siya bago pa siya naging tao?

Ako: magandang tanong. Pero mas maganda ang tanong na kung bakit kailangan pa niyang maging tao kung tao na talaga siya? Hehehehe

Ethel: ano nga kuya?

Ako: Bago pa man siya ipinanganak sa mundo ay siya na… Kasama na siya ng Ama. Kaya papaanong tao Lang siya?

Juan 17:5 “Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang daigdig.”

…. Oh ayan si Hesus ang nagsasalita jan bago pa pala likhain ang Mundo eh nakapiling na niya ang Ama eh at taglay niya ang karangalan o kaluwalhatian kaya papaanong tao lang yan???

Juan 17:25 “”Mapagmahal na Ama, HINDI KA KILALA NG MGA TAO sa daigdig, NGUNIT KILALA KITA, “”

… Papanong tao lang yan??? Tignan mo jan palang eh makikita mo na ang totoo eh…

Ethel: GRABEH NGAYON KO LANG NALAMAN YAN  hahahaha

Ako: Ang Dios ay ilaw! Kaya wala siya sa Diliman este kadiliman.. Haha.

Ethel: sige pa magturo ka pa!!

Ako:

1 Juan 1:5 “Ito ang aming narinig sa kanyang Anak at ipinapahayag naman namin sa inyo: ANG DIYOS AY ILAW at walang anumang kadiliman sa kanya.”

Tandaan mo ah ang Diyos ay Ilaw sabi ni san Juan….. Ehto sabi ni Hesus pakinggan mo:

Juan 8:12 “Muling nagsalita si Jesus sa mga Pariseo. Sinabi niya, Ako ang ilaw ng sanlibutan……”


No comments:

Post a Comment