Friday, January 1, 2016

Book 2016: My New year views



Just celebrated the Holy day of Obligation at San Roque Parish and I can say that it was really a very good experience, learning alot of things on the very first day of the year....

According to Fr. Paschal, marami daw sa atin ang mga naniniwala parin sa mga maling paniniwala. Tulad sa mga paniniwala na nagiging ugat na ng ating kultura kaya't napagkakamalan na ng ilan saatin na ating 'tradisyon'.

Gaya na lamang ng pagsusuot ng mga polka dotted dress sa bagong taon (o habang sinasalubong ang pagpalit ng bagong taon), pagpapa-putok ng malalakas na firecrakers atbp o maging ang pagkalampag sa mga gamit sa bahay para lamang diumano maitaboy ang malas saating buhay. At ang nakakarindi ay yaong mga pagbating galing sa mga saradong katoliko na kung bumati ay palagi nang may kaakibat ng mga salitang "good luck", mga paniniwala at pagbati hindi ng Katoliko bagkos ng mga Pagano.

May punto nga naman si Fr. Hindi mo nga naman nanaising ilagay ang buong taon at mga susunod pang taon sa isa lamang "luck" . Mas maganda nga namang sabihing "God bless you" sa mga taong binabati natin sapagkat ito mismong pagbati na 'to ay blessing at panalangin ng bumabati na sana ay buong taong pagpalain ng Panginoon ang mga taong binabati natin nito. Mas marami tayong mabati nito ay mas marami rin ang mabi-bless ni Lord sa pamamagitan natin.

Nakakatawa man, pero sinabi nya rin na kahit ubusin natin ang lahat ng araw sa buong taon para lamang mag-ingay gamit ang paputok ay hindi parin maaalis ang "malas" sa ating buhay sapagkat mas pinaniniwalaan natin ito kumpara sa dapat nating pinaniniwalaan at ginagawa - ang manalangin at ipaubaya kay Lord ang lahat.

Tingnan mo't hindi ka na nga nananalangin, tinatawag mo pang "demonyo" asawa mo, "lintik" mga anak mo o maging "bwisit" kapit-bahay mo. Ito yung mga  "malas" na itinuturing mo na kailanman ay hindi maitataboy ng pagsusuot mo ng bloody red o polka dotted dresses, nang anomang uri ng paputok o pangangalampag mo ng kaldero't kawali sa gabi ng pagsalubong mo sa bagong taon.

Pero alam mo ba kung ano ang mas epektibong gawin na nararapat na maging kaugalian natin na sya dapat parte ng ating tradisyon? Iyon raw ay ang "ipanalangin" ang kanilang pagbabago at ang simpleng gawaing ito ay siyang kailangan ng tao.

Ang ganda nga namang panoorin nga mga fireworks na tulad ng nasa video pero hindi ba natin alam ang epekto nito sa kapaligiran? Naitanong ba natin sa Panginoon kung siya ay nagagalak sa mga gawaing ito gayong alam niya na unti-unting sinisira nito ang mga yamang regalo niya saatin?

Something to write on the very first page of your 365 pages book  entitled 2016. Let's  reflect on this... good evening everyone!


 watch the video via this link:
 https://youtu.be/HKbTn_J7zoE 


No comments:

Post a Comment