MIRIAM: Wala ng kridibilidad ang mga surbey na yan kaya wala ng naniniwala d'yan!
Ni John Christian Perez
Masakit man tanggapin para sa iba, bakit kaya nila pinagpapalit ang Presidente na may PLATAPORMA dun sa mga puro PORMA lang? Pero wala e, ganyan talaga sa Pinas kung saan uso at saan ka natuwa dun ka. Kaya madaming mahirap, kasi ang karamihan ay walang edukasyon, bulok ang transportasyon, kulang sa impormasyon kaya walang alam sa solusyon at umaasa lang sa donasyon.
Masakit makita na naghihirap ang mga kababayan natin, habang ako at ang iilan sa atin ay nakaranas ng mas maginhawang buhay kaysa sa iba, kung ang ilan sa atin ay may kaya paano naman ang iba? Hindi natin kailangan maging pulitiko para makatulong pero kailangan nating pumili ng totoong pulitko para sa pagsulong.
Sana piliin natin ang tama, oo mayroong 'pwede na' pero mayroon naman na kandidato na 'subok na' kaso pilit hahadlangan ng iba dahil pag nanalo siya hindi na sila makakapagnakaw. Panahon na para baguhin ang ating pananaw.
Ngunit ano pa man ang desisyon ninyo ay malugod ko pong nirerespeto. Alam ko namang 18 lang ako at ano ang alam ko sa mga pangyayari noon pero hindi tayo ang nakaraan, tayo, ang bukas!
#Miriam2016 #BBM2016 Bangon Pilipinas!
Sunday, April 17, 2016
MIRIAM: Wala ng kridibilidad ang mga surbey na yan kaya wala ng naniniwala d'yan!
Labels:
MDS,
Miriam Defensor Santiago,
Pulse asia,
survey,
SWS
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment