Friday, April 15, 2016

18 sundalo patay, 53 sugatan sa sagupaan sa Basilan



Habang nagsasaya ang ilan sa pagka panalo ni pacman at sa malamang ay panalo rin nila sa pustahan, magawa din sana natin ang ipagdasal ang mga kaluluwa ng matatapang nating sundalo na nagbuwis na naman ng kanilang mga buhay para sa ating kaligtasan laban sa pangaabuso ng mga bwisit na mga rebelde.


Ang mga ito ay biktima hindi lamang ng karahasan ng mga rebeldeng abu sayaff kundi pati na ng kapabayaan sa parte ng afp at ng gobyerno.


An dami ng ibinuhos na pera para sa moderniz...ation ng ating sandatahang lakas pero napaka-hina parin ng intel unit ng afp at ng gobyerno sapagkat marami parin ang nalalagas sa bilang ng ating mga sundalo't kapulisan. At sa bawat ulat hinggil sa dogmaang ito, wala man lamang augmentation force ang naipapadala ang gobyerno gamit ang mga makabagong kaganitang ito.


Tanong, meron nga bang modernization na ginagawa ang pamahalaan o ito'y pabalat lamang para maibulsa nila ang pondo ng bayan? Kasi kung meron bakit sa mahigit sampung oras ng bakbakan, bakit walang ipinadadalang tulong angbkanilang hanay para makubkob ang mga pasaway at barbaric na grupo?


Kung sana'y maganda ang pamamalakad nila hindi tayo mawawalan ng ganito karaming bilang ng mga sundalo sa engkwentro nila laban sa hindi naman kalakihang mga rebeldeng grupo. Kung ganito kapabaya ang Pamahalaan sa mga nagtatanggol sa Bayan, sino pa sa mga susunod na taon o henerasyon ang maglalakas loob na pumasok sa serbisyo (afp, pnp, navy, etc)?

Our thoughts and condolences are for the families of these brave soldiers and we pray for the final end of this henious and barbaric acts of these rebel groups.


‪#‎RIPfallenSoldiers

Basahin ang buong ulat sa ibaba.



NEWS UPDATE (Repost)
FROM: Ma'am Josephine Jaron Codilla
18 sundalo patay, 53 sugatan sa sagupaan sa Basilan
...
Patay ang 18 sundalo ng 44th Infantry Battalion habang 53 ang nasugatan sa 10 oras na bakbakan ng mga Militar sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Basilan araw ng Sabado, April 9, Araw ng Kagitingan.
Nakasagupa ng mga militar ang tropa ng Abu Sayyaf commander na si Isnilon Hapilon. Alas siyete na ng umaga nang ubusin ang isang platoon at opisyal nito, habang tumagal naman ang bakbakan hanggang alas singko ng hapon.
Apat sa nasawing sundalo ay pinugutan pa ng ulo. Ang nasabing mga nasawi ay hindi naman kinumpirma ng Western Mindanao Command, pinagbawalan din ang mga mamahayag na makapasok sa headquaters kahit pa sa media center.
Kinumpirma naman ni Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command na 53 [22] sundalo ang nasugatan [at 18 ang namatay] sa nasabing bakbakan sa Sitio Bayoko Brangay Baguindan Tipo-Tipo.
Sinabi pa ni Tan, tinatayang nasa 120 bandido na pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf ang nakasagupa ng 44th IB Sabado ng umaga. Nakatanggap naman ng ulat si ARMM Gov. Mujiv Hataman na may mga sundalo ang nasawi sa pakikipagbarilan nila sa grupo ni Isnilon Hapilon.
“Troops are blocking their entry, that is what I got from the ground,” ani Hataman..
-
Admin Civet

No comments:

Post a Comment