Monday, October 12, 2015

OPINYON: Ang skandalo sa Iglesia ni Cristo


Hindi natin  maintindihan kung bakit sa kasagsagan ng isyu noong mga nakaraang buwan hinggil sa mga umano'y anumalya sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo ay itinatanggi parin ito ng kanailang pamunuan lalo't higit ng kanilang kasalukuyang pinuno na si Eduardo Manalo, gayong ang dating pinuno ng mga ito ay Nagsalita na din pala regarding sa isyu ng katiwalian na ginagawa ng mga Ministro nila pero ba't ganon parang walang aksyon. Sya narin ang may sabi na gawain ng Demonyo ang mga masasamang tulad niyon pero ano nga ba ang ginawa niya o nilang aksyon para mahinto ito?

Sana ang kapatid nating myembro at may tungkulin o mga manggagawa ng INC, yaman din lang na tinawag na pala kayong masasama ay makapag isip-isip na. I hate to say this but you and the public needs to know na hindi gawain ng isang pinuno ang tawaging masasama ang kanyang mga alagad sapagkat Dios man kahit ilang beses isinasantabi ng mga tao ay patuloy na nagmamahal dito at umaasang magbabago ang mga ito.

Para po sa kaalaman ng ating mga kapatid sa INC, Ang kaligtasan ay wala sa kamay ng mga Pari, mga relihiyusong tao o maging mga ministro ng iba't ibang sekta na katulad ng INC. Not even in the hands of the Manalo's or of the Pope. So please wake up. Ang totoong kaligtasan ay nasa puso ng bawat isa saatin. Kung ginagawa at sinusunod natin ang mga utos na ikinalulugod ng Panginoon. Pero gayon paman, kahit na nga mas madalas na sinusuway NATIN SIYA ay nananatiling mahalaga at MAHAL NIYA ang bawat isa saatin at kailanman hindi siya nawalan ng pag-asang ang bawat isa saatin ay magbabago at magbabalik loob sakanya ng kusa at ng walang pamimilit. Ito ang tunay na kahulugan ng 'kalayaang' ibinigay niya sa bawat isa saatin.

Oo nga't napakalaki ng ginagampanan nilang papel sa buhay espiritwal ng bawat isa saatin pero ang malayang pagpapasya mo parin ang siyang magliligtas saiyo at sa pamilya mo. At ito ay sa pamamagitan ng iyong tunay at solidong paniniwala at pananampalataya.

Minsan sinasabi natin na hindi tayo mahal ng Dios sapagkat hindi tayo direktang kinakausap niya. Pero ang totoo ang daming beses nya na palang tumugon sa mga dasal natin. Nabubulag lamang tayo ng sarili natin sapagkat inaasahan natin na siya mismo ang siyang direktang magsasabi saatin ng mga bagay-bagay na dapat nating gawin para sa tunay nating kaligtasan. Sa napakarami ng kwentong nagpapatotoo ng presensya at tulong ng Dios Ama, Sa lahat ng mga kwentong iyon lumalabas na kapwa natin, kapamilya man o kaibigan at minsan kahit kaaway pa natin ang siyang ginagamit niyang instrumento para tugunan ang mga hinihiling natin sa kanya. Pero dahil matigas ang mga puso natin at minsan pa-importante tayo ipinagpipilitan natin sa ating mga sarili na dapat siya mismo ang magpakita saatin at siyang magsabi saatin ng ating mga kamalian bago tayo magbalik loob sa kanya. O hindi ba't kayabangan ito?

Tulad ng sabi ng batang SI Nathaniel na kinagiliwan ng marami, Bakit daw kasi kailangan pa nating makita ang himala ng Dios, tulad ng presensya nito o maging ng mga anghel niya bago tayo maniwalang nandiyan siya gumagabay saatin?

Alalahanin po natin na kung tayo ay may kalayaang magpasya, may kalayaan din ang Panginoong magpasya kung sino lamang sa paningin niya ang karapat-dapat makakita o makarinig sa kanya. Wala tayong karapatang mag demand sa kanya para lamang sa mga pansarili nating mga interes o maging ng ating kaligtasan. Ang mahalaga ay pinapakinggan niya tayo at gayon na lamang ang pagibig niya saatin kaya may mga taong ginagamit niya para tayo ay paalalahanan o para tugunan ang ating mga pangangailangan.

Mga aral ng Simbahan:

Napakaganda ng nakapaloob sa sermon ng Pari sa misa niya. Binigyan diin ng Pari sa kanyang homiliya ang kahalagahan ng pagsasama ng lalaki at babae bilang mag-asawa. Dagdag niya, dapat lamang daw talagang hindi nakikialam ang mga magulang ng lalaki o maging ng asawang babae sa pagsasama ng dalawa. 'Pagkat sa palasyo raw iisa lamang ang dapat na Reyna. Kaya nga ipinag-utos ng Panginoon na bumukod ang mag-asawa para mamuhay silang payapa bilang isa na sumusunod sa mga utos ng Ama. At kasama sa tagubilin ng Panginoon ang pagpapasakop ng babae sa asawang lalaki.

Pero hanggang saan nga ba dapat pasakop ang asawang babae sa lalaki? Kasama ba dito ang pagtalikod ni Babae sa kanyang Panginoon para lamang masunod ang kagustuhan ni Lalaki?
Naalala ko pa noong minsang tinanong ko ang kapatid ko kung bakit siya itong dating pala-simba at aktibo sa mga relihiyusong aktibidad sa aming simbahan "chapel" ay bigla na lamang nahikayat na umanib sa ibang relihiyon na kinabibilangan ng kanyang asawa ngayon. Ang sabi niya, nasa paguusap daw ng mag-asawa iyon at dagdag niya pa hindi takot daw talaga siya sa mga rebolto ng mga Santo sa Simbahan. Mga rason na kahit mahirap paniwalaan ay siya ko na lamang ipinagkibit balikat. Mahirap paniwalaan sapagkat kung noon ay may sobrang malapit akong kapatid siya iyon na kasa-kasama kong magdasal ng rosaryo, ng novena. Sumama sa prosisyon at maging sa buwanan kung hindi man lingguhang pagsisimba. Kaya alam ko na nasabi niya lamang iyon for the sake of ending the conversation.

Ngayon dahil sa homiliyang ito ng Pari, naisip ko na, dito marahil nila ibinase yung pagtalikod niya sa Relihiyong kinagisnan niya na bagaman ay hindi pa niya lubos na naaaral ay bigla niya nalamang iniwan. Napakasakit. Actually doble-doble yung sakit dahil hindi lamang sa ipinagpalit niya kami na Pamilya nya. Yung Nanay niya na nasa bingit ng kamatayan na nakikiusap sa kanya noong mga panahong iyon na pagisipan ang relasyon nya sa lalaking Ama na sa dalawang anak ay hindi niya pinakinggan at kanya pang tinakasan, dito palamang sa isiping ito ay halos madurog na ang puso ko kaya may ilang taon ding hindi ko siya kinausap sapagkat namatay ang Nanay namin na bagamat hindi niya sinabi ay alam kong sobrang sama ng loob dahil sa pagtalikod niya. Pero mas masakit pala ang mapagtanto mo na kahit ang Panginoon ay lumuha dahil nakita niya na kaya pala siyang ipagpalit ng nilikha niya sa mga temporal na bagay na nagpapaligaya sa tao dito sa lupa para lamang masunod ang gusto nito.

At ito ay paulit-ulit nating ginagawa at nagagawa sa Panginoon. Pero kahit ganoon, minamahal niya parin tayo at binibinigyan ng laya na malayang makapagpasya.

Oo nga't ipinag-utos ng Panginoon na pasakop ka sa asawa mo pero natanong mo ba sa sarili mo minsan kung karapat-dapat bang isantabi ang Panginoon habang ikaw ay nasa isang relasyon?

Dahil moderno na ang panahon, moderno na rin po ang mga pagsubok na nararanasan ng bawat isa saatin ngayon. Kung noon ay hiningi ng napakaraming pagkakataon ang buhay ng mga mananampalatayang Kristiano, ngayon ay hindi na pisikal na buhay ang hinihingi saatin.

Hinihingi ng pagkakataon saatin ngayon na maipakilala natin ang Panginoon sa araw-araw nating mga buhay kahit na nga ang pwedeng kapalit nito ay ang buhay pag-ibig mo. At dito sa mga pagkakataong ito nasusubok kung gaano nga ba katibay ang ating pananalig at pananampalataya sa totong lumikha. Gabayan sana tayong lahat ng Poong lumikha. Siya nawa.



No comments:

Post a Comment