Sunday, April 12, 2015

Cherie Gil, best actress sa AIFFA 2015

 
By  Bombo Dennis Jamito  
 
Itinanghal na best actress si Cherie Gil sa katatapos na 2nd ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) na ginanap sa Borneo Convention Center sa Kuching, Malaysia.

Personal na tinanggap ng premyadong Pinay actress ang award para sa kaniyang papel sa Sonata.

Kinilala rin nito si Nora Aunor sa naging kontribusyon sa tagumpay.

Maliban kay Cherie, pumasok din sa listahan ng mga nominado ang iba pang Pinoy na sina Kristel Valentino para sa "Purok 7" at Barbara Miguel para sa pagganap sa "Nuwebe."

Isa naman sa best actor nominees si Allen Dizon para sa pagganap nito sa "Magkakabaung."

Ang pagganap ni Dizon sa "Magkakabaung" ay una nang nagbigay sa kaniya ng Best Actor trophy sa Gawad Tanglaw, Metro Manila Film Festival (New Wave) at Silk Road Film Festival sa Ireland.

Nominado naman bilang best supporting actress si Ana Luna para sa "Bendor" at Nico Antonio para sa "Red."

Nakuha rin ng mga pelikulang Pinoy ang Best Photography ("Red" "Sonata"), Best Editing ("Purok 7," "Bendor") at Best Screenplay ("Bendor," "Sonata").

No comments:

Post a Comment